Tugade

Mabuhay ang MIAA! Mabuhay ka acting MIAA chief Atty. Jose Arturo Tugade!

October 29, 2022 Jun I. Legaspi 403 views

Jun LegaspiMAAGAP talaga itong liderato ng Manila International Airport Authority (MIAA) na siyang namamahala sa operations ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para siguruhin ang kaligtasan ng mga biyahero, bakusyanista, negosyante at mga pasahero domestic o international.

Dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga biyahero, sumabay ang malakas na bagyong Paeng, agad-agad nagpalabas ng mga reminders ang management sa mga commuters upang siguradong ligtas, relaxed, kaaya-aya at remarkable ang karanasan nila sa loob ng NAIA bago sumakay ng eroplano papunta sa kanilang mga destinasyon.

At dahil nga long weekend, tiyak na dadagsa ang mga pasahero at magsisimula na ang exodus ng mga biyahero. At dahil papasok na nga December ay inaasahan na ang dagsa ng mga magbabalik bayan, regular na biyahero at mga negosyante na mag-hoholiday sa bansa.

Pinaalaala ng management sa lahat ng mga pasahero na nasa airport na sila tatlong (3) oras bago ang scheduled na paglipad ng kanilang mga eroplano patungo sa kanilang mga destinasyon.

Siguraduin at tiyakin ng bawat pasahero na dala nila ang kanilang mga identification cards at mga travel documents na kailangan nilang ipakita kapag hinanap sa mga probinsiya o bánsa na kanilang mga destinasyon.

Nagbabala din ang MIAA na ingatan ang kanilang mga bag, iwasang tumaggap ng mga “padala” lalo na sa mga taong hindi nyo kakilala.

Mahigpit din ang tagubilin sa mga bibiyahe na iwasan magdala o maglagay sa mga bagahe nito ng mga ipinagbabawal na mga items para makaiwas sa anumang abala. Pinayuhan ng management na bisitahin ang website ng Office of the Transportation Security (OTS) para sa kumpletong listahan ng mga bagay na ipinagbabawal paglipad sa eroplano.

Sinabihan din ang mga biyahero na laging makipag ugnayan sa kanilang mga airline managements kaugnay sa kanilang flight schedule kung meron man itong mga pagbabago kung saan ang flight terminal sila assigned.

Binigyan din ng tip ang mga biyahero na laging subaybayan ang kalagayan ng panahon sa kanilang lugar at maging sa airport lalo na nga’t paibaiba ang panahon.

Mahigpit din nagpaalaala ang MIAA management na ang NAIA ay enclosed area kaya mahigpit na hinihikayat ang lahat ng biyahero na mag suốt ng face mask habang nasa loob ng airport at laging sundin ang social distancing sa habang nasa loob ng NAIA.

Para naman sa mga international travelers na bibisita at paparating ng bansa galing abroad kailangan ng mga ito na mag register sa eArrival Card through https://www.onehealthpass.com.ph/, 72 hours prior departure.

Babala “LIBRE” po ang registration. Beware of fake, fraudulent or scam websites that require payment, paalaala ng management.

Kaugnay nito, punong puno ng pag asa ang lahat ng mga opisyales, empleyado at mga attached agency ng gobyerno sa pagkakatalaga ni President Ferdinand Marcos Jr. kay Atty. Jose Arturo Tugade, bilang acting General Manager at Chief Executive Officer (CEO) ng MIAA. MABUHAY ANG MIAA! MABUHAY KA ATTY. JOSE ARTURO TUGADE!([email protected])

AUTHOR PROFILE