MPD1 Si Manila Police District (MPD) Director Andre P. Dizon (pangalawa mula kanan) habang nagbibigay utos para sa mabilis at maagap na pagresponde ng nga pulis-Maynila kasama ang mga mobile units ng MPD. Kuha ni Jon-jon Reyes

Mabilis na aksyon, responde siniguro ng MPD chief

October 3, 2022 Jonjon Reyes 380 views

SINIGURO ng pamunuan ng Manila Police District (MPD) ang mabilisang aksyon at responde sa mga krimen at insidente sa kanyang nasasakupang lugar sa lungsod ng Maynila.

Ito ang idiniin at ibinida ni Police Brigidier General Andre P. Dizon na ang agarang tugon ng kanyang puwersa sa oras na makatanggap ng saklolo o tawag ng tungkulin mula sa mga mamamayan sa oras ng kagipitan.

Ayon kay Dizon, lima hanggang pitong minuto lamang ang kailangan antayin ng mga nagpapasaklolo sa bawat nasasakupang presinto para makaresponde ang kanyang mga tauhan.

Dagdag pa ng MPD director, bahagi pa rin ng kanilang ipinapatupad na “Seen, Appreciated and Felt by the people through Extraordinary actions” (SAFE) sa lahat ng oras. Kasama rin ang mga iba’t-ibang unit ng MPD tulad ng SWAT (Special Weapons and Tactics), TMRU (Tactical Motorcycle Riding Unit), Mobile, DMFU (District Mobile Force Unit), at iba pang kapulisan sa mga checkpoint at patrolling operations.

Tiniyak din ni Dizon na tuloy din ang kanilang ginagawang pagpapatrol sa mga police station at mga PCP (police community precinct) station sa lungsod ng Maynila umaga man o gabi, para maalerto ang mga kapulisan at tuluyang mabawasan at mawala ang mga gumagawa ng masasamang balak sa lungsod.

AUTHOR PROFILE