Oliver

Mabenta man sa gay/BL movies, Oliver at Migs babae pa rin ang hanap

June 9, 2022 Ian F. Fariñas 280 views

MABENTA man sa gay movies o kaya naman ay boy’s love series, babae pa rin naman daw ang bet dyowain nina Oliver Aquino at Migs Almendras.

Bale reunited sina Oliver at Migs sa Vivamax BL movie na Memories of a Love Story na dinidirehe ni Direk Jay Altarejos.

Dating Kapamilya child actor si Oliver ng boy group na Anime kasama ang magkapatid na sina Rayver at Rodjun Cruz, John Wayne Sace at Sergio Garcia.

Una siyang nakilala sa mga indie movie gaya ng Kasal, Tale of the Lost Boys, TPO Miguel, Gino to Marie, Love and Pain in Between Refrains at Walang Kasarian ang Digmang Bayan.

Sa katatapos na virtual mediacon ng Memories of A Love Story, natanong si Oliver kung anong feeling na nagkasama sila uli ni Direk Jay sa isang pelikula.

Aniya, “I have learned so much from him, so kapag siya ang tumawag, okay ako agad. I really trust him and I know hindi niya ako ipapahamak as I am in good hands.”

Ang Memories of a Love Story ay tungkol sa isang lalaking nagbalik sa Bicol para isaboy ang abo ng inang namatay.

Sa pagbabalik niya sa probinsya, magkikita sila uli ng kababata na minsan niyang nakarelasyon at mabubuhay muli ang pagmamahal nila sa isa’t isa.

Ayon kay Oliver, naka-relate siya sa kuwento ng pelikula dahil “I’ve had a girlfriend before, but our relationship did not prosper. Pero noong ikinasal siya in 2019, she even invited me. Doon ko nakitang masaya na siya at dahil doon, naka-move-on na rin ako.”

Siyempre, excited si Migs na muling makatrabaho si Oliver sa movie.

“Actually, nagkasama na kami before in Walang Kasarian ang Digmaang Bayan. Kaso, hindi ako napasama sa final print kasi na-edit out ’yung scenes ko dahil nawala ’yung isang character. So, bitin ’yung una naming pagtatrabaho, kaya when I learned I will work with Oliver again, okay lang sa akin as I already feel comfortable with him,” kuwento niya.

Nang tanungin naman kung may bading na ba na biglang umamin kay Oliverna mahal siya nito kahit straight siya, ang sagot ng aktor ay, “I will praise him kasi he’s brave enough to admit his feelings for me but I will explain to him na we just have to be friends kasi I’m not into gay relationships.”

AUTHOR PROFILE