PASANG MASDA Si Ka Obet Martin ng PASANG MASDA (gitna) kasama ang tinaguriang Magnificent-7 ng transport industry.

Mabagal na pagrehistro ng sasakyan ikinadismaya

September 13, 2022 Jun I. Legaspi 205 views

DISMAYADO ang transport groups hinggil sa mabagal na pagproseso ng rehistro ng sasakyan at pag-renew ng lisensya sa Land Transportation Office (LTO) dahil sa mabagal na proseso ng information technology (IT) ng ahensiya.

Sa press conference ginawa sa Quezon City, sinabi ni Ka Obet Martin ng Pasang Masda na dahil umano sa kabagalan ng IT ng LTO na Dermalog, apektado ang kabuhayan ng kanilang mga tsuper na namamasada.

Sinabi ng mga lider ng transport group na pinangunahan ng Pasang-Masda, Alliance of Transport Operators and Drivers Asssociation of the Philippines (ALTODAP) Piston, Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO) at Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (Fejodap), na kailangan maayos agad ang problema

Ayon pa sa transport group, nagpapabalik-balik ang mga tsuper para lang makumpleto ang kanilang transaksyon kung kaya’t ilang araw silang walang kita.

Nauna rito ikinadismaya ng bagong talagang si Land Transportation Office Assistant Secretary Atty. Teofilo Guadiz III ang mabagal na pagproseso ng drivers license sa mga tanggapan ng LTO na pinamamahalaan ng German IT provider na Dermalog.

Sinabi pa ng LTO chief na dahil sa mga delay ng pag-iisyu ng renewal ng drivers license ang LTO ang nasisisi ng publiko.

Kaugnay nito nanawagan si Martin kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makialam na sa nasabimg problema.

AUTHOR PROFILE