Sam Larawan mula sa IG/Sam Pinto

Maalat pa rin

May 29, 2024 People's Tonight 91 views

INANOD ng atensyon mula sa netizens ang kaseksihang ibinalandra ng model-actress na si Sam Pinto.

Parang hindi nagsilang ng supling ang aktres sa anak nila ng kanyang asawang si Anthony Semerad dahil alang kupas pa rin ang kanyang hot body sa isang Instagram post.

Nag-uumapaw pa rin sa alindog si Sam kahit na kasisilang pa lamang ng kanyang anak. Walang bakas ng kahit anong stretch marks ang tiyan at ng aktres.

Suot niya ang blue two-piece bikini habang enjoy na enjoy umawra sa dalampasigan ng dagat.

“Ocean girl,” ani Sam sa caption.

Still young and fresh pa rin ang model-actress. Todo ngiti pa nga siya sa nasabing post.

Maging ang asawa niyang si Anthony ay napa-wow at lalong nahulog sa kariktan ng model-actress. Nag-iwan ito ng ilang emoji para sa kanyang reaksyon.

AUTHOR PROFILE