Default Thumbnail

Maagap, mapagkalingang serbisyo ng DSWD sa mga naapektuhan ni ‘Florita sa Ilocos

August 24, 2022 Erwin Tulfo 391 views

TulfoNAGSIMULA nang mamigay ng pagkain at iba pang ayuda ngayong Miyerkules, Agosto 24, ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 1 sa mga biktima ng baha sanhi ng pagtama sa bansa ng Severe Tropical Storm Florita sa Ilocos Region.

Ikinagagalak pong ibalita ng inyong abang Kalihim ng DSWD na karamihan sa mga biktima ng pagbaha sa Ilocos North ay nakabalik na sa kani-kanilang mga tahanan.

Ang buong pangkat ng DSWD ay patuloy na nakamonitor sa Northern Luzon upang matugunan ang mga pangangailangan ng ating mga kababayan.

Nagpapasalamat rin po ang inyong lingkod sa Panginoon dahil habang isinusulat ang kolum na ito ay wala pamg naiulat na nasawi sa nasabing lugar.

Hinihiling pa rin po ng inyong lingkod ang patuloy na pagdarasal sa mga residente ng Cordillera pati Regions 1 at 2.

Nauna rito ay pinulong po ng inyong abang Kalihim ang mga regional directors ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa karampatang aksyon sa mga rehiyon na apektado ng bagyo.

Sinigurado po ng inyong lingkod at ng buong DSWD na may sapat na stock pile at may nakahandang lugar para sa paglikas ng mga indibidwal at pamilya sa bawat rehiyon na apektado ni Florita.

Samantala, ayon po sa August 21, 3 a.m. final report po sa inyong lingkod nationwide,
48,000 (parehong online applicants at walk in) ang natulungan ng DSWD sa unang Sabado ng educational assistance program ng DSWD.

Umabot po sa P141 million ang naipamigay sa mga estudyante sa buong bansa.

Sa mga darating na Sabado, katuwang na po ng DSWD ang DILG at mga LGU.

Magtutungo na po ang DSWD sa inyo at ang payout ay gagawin sa mga lungsod at bayan ninyo.

Babawi po kami. Pangako po iyan

Salamat sa patuloy na pang-unawa at suporta.

Bawat buhay ay mahalaga sa DSWD!

AUTHOR PROFILE