Billy

Maagang pamasko, hatid ng season finale ng ‘The Wall Philippines’

December 4, 2022 Ian F. Fariñas 316 views

Sa season finale ng The Wall Philippines, dalawa sa naggagandahang Kapuso artists na sina Andrea Torres at Max Collins ang sasalang sa pinakamatinding hamon ngayong Linggo, December 4.

Ipinakita na ang teaser ng upcoming episode ng The Wall Philippines at makikitang abot-langit ang ngiti ng dalawang players kasama ang TV host na si Billy Crawford.

Makikita rin na gulat na gulat si Andrea at napapasayaw sila ni Max sa huling hulog ng bola.

Makatanggap kaya sila ng maagang pamasko?

Abangan ang season finale ng The Wall Philippines ngayong Linggo, 2 p.m., sa GMA Network.

Mapapanood din ito via live streaming sa GMANetwork.com at sa GMA Network App.

Teaser ng upcoming primetime series, nagpakilig sa mga Kapuso

Napuno ng kilig ang Christmas season ng mga Kapuso matapos mapanood ang pasilip sa bagong primetime series na Luv Is: Caught In His Arms.

Ni-release ng GMA Network ang official teaser ng serye na pagbibidahan ng Sparkle sweethearts na sina Sofia Pablo at Allen Ansay o mas kilala bilang Team Jolly.

Kitang-kita sa teaser ang husay sa pag-arte ng young stars.

Gaganap si Sofia bilang Florence, isang masayahing dalaga na puno ng mga pangarap habang masungit at mysterious naman ang character ni Allen bilang Nero.

Much-awaited ang first collaboration project na ito ng Kapuso Network at Wattpad Webtoon Studios.

Saad ng ilang fans sa Facebook, “Teaser pa lang ito pero grabe nakaka-excite na! Nakakabitin! Sana ilabas na rin ang trailer. Worth it ang paghihintay kasi napakaganda talaga!”

Abangan ang Luv Is: Caught In His Arms sa January 2023.

Meantime, panoorin muna ang kanilang teaser sa lahat ng social media accounts ng GMA Network at GMA Drama.

AUTHOR PROFILE