Lyca1

Lyca marunong lumingon sa pinanggalingan

November 18, 2021 Aster Amoyo 362 views

Lyca2Lyca1TOMORROW, November 21, Sunday ay 17th birthday ng kauna-unahang The Voice Kids Philippines grand champion at YouTuber na si Lyca Gairanod. Isang taon na lamang ang kanyang hihintayin at isa na siyang ganap na dalaga. Malayong-malayo na siya sa batang namumulot lamang ng basura sa kanilang lugar sa Tanza, Cavite para makatulong sa kanyang pamilya.

Since she was a kid ay mahilig nang sumali si Lyca sa iba’t ibang amateur singing contest sa iba’t ibang lugar ng Cavite. Tulad ng yumaong ama ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez na si Mang Gerry, ang mangingisdang ama ni Lyca ang nag-train sa kanyang panlimang anak (out of 9) sa pagkanta at dinadala rin niya ito sa dagat na nasa paanan at likuran lamang ng kanilang dating barong-barong.

Aminado ang tinedyer na ngayong si Lyca na nabago ang takbo ng kanyang buhay at ng kanyang pamilya nang tanghali siyang grand winner ng “The Voice Kids Philippines – Season 1” in 2014 kung saan siya nanalo ng P1-M cash, house & lot mula sa Camella Homes, music and home appliances showcase, P1-M trust fund mula sa Systema, recording contract with MCA Music and management contract with Star Magic.

Limang taon lamang natirhan ni Lyca at ng kanyang pamilya ang premyo nitong bahay sa Cavite. Naibenta rin nila ito dahil sa pagnanais na bumalik sa dati nilang lugar sa Tanza, Cavite na ilang metro lamang ang layo sa kanilang barong-barong kung saan nakatira ngayon ang kanyang 87-year old grandmother na si Lala Desma. Ayaw kasing umalis ng lola niya sa naturang lugar.

Sa ngayon, si Lyca ay may 1.79M subscribers sa kanyang YouTube channel. Nakatanggap na siya ng gold play button (1M subs) award mula sa YouTube at pangarap niya siyempre na makamit ang Diamond Award (for 10M subs).

Dahil kumikita na si Lyca bilang vlogger, hinatiran niya ng tulong ang isang matandang nakasama niya noon sa pangangalakal (pamumulot ng basura), si Aling Ising na mahigit otsenta anyos na ngayon. Nung maliit pa si Lyca, madalas umano niyang bigyan si Aling Ising ng kanyang napupulot na kalakal dahil naaawa umano siya rito. At ngayong okey na ang takbo ng buhay ni Lyca ay hinanap siya ang matanda para bigyan ng ayuda.

Naibahagi rin ng teen singer-actress na naisama niya sa Australia ang dating amo ng kanyang `Ate Jessa’ (gay brother) in 2015 dahil sa pagiging mabait nito sa kanya nung nagsisimula pa lamang siyang sumali sa “The Voice Kids”.

“Trinato po niya ako na parang anak. Tinulungan at pinatulog niya po ako sa kanila noon at mabait siyang amo sa kuya (Ate Jessa) ko,” paglalahad ni Lyca.

Si Lyca ay nagkaroon ng show sa Melbourne, Australia in 2015 kasama ang kapanabayan niya sa “The Voice Kids Philippines” na si Darren Espanto. At that time, wala pang passport sinuman sa pamilya niya kaya nag-desisyon siyang isama ang amo ng kanyang nakatatandang kapatid na tinatawag niyang Ate Jessa bilang guardian-companion niya.

Out of her income bilang isang vlogger, nakabili na siya ng sariling van, mga kagamitan sa bahay at lahat ng pangangailangan ng kanyang pamilya – her parents, siblings maging ng kanyang lola na sobrang mahal na mahal niya at hindi niya kayang iwan.

Dahil siksikan ang kanyang pamilya sa kanyang ipinatayong maliit na bahay, nag-desisyon si Lyca na mag-rent ng isang apartment na hindi rin gaanong kalayuan sa kanyang pamilya. Doon ay kasama niya ang kanyang big brother, ang kanyang `Ate Jessa’ na siya niyang tumatayong all around production assistant, make-up artist, driver at katuwang sa kanyang vlogging.

Bilang tinedyer, may sariling crush na rin si Lyca at inamin nito sa amin na isa sa kanyang crush ay ang rapper, singer-songwriter at isa sa miyembro ng hip-hop group na Ex-Battalion na si Flow G (Archie Basilio de la Cruz)-25 na minsan na rin niyang nakasama sa trabaho. Tulad niya, very inspiring din umano ang buhay ni Flow G.

Si Lyca ay nasa pangangalaga ngayon ng Viva Artists Agency at naging daan ang kanyang dating coach sa “The Voice Kids Philippines, ” ang Popstar royalty na si Sarah Geronimo sa kanyang paglipat ng management company na siya ring nangangalaga ng career ng misis ni Matteo Guidicelli hanggang ngayon.

Ngayong unti-unti nang nagi-ease-up ang lahat, umaasa si Lyca na muli siyang magiging aktibo hindi lamang sa kanyang singing at recording career kundi maging sa larangan ng pag-arte sa tulong ng Viva.

AJ RavalAJ ayaw nang magsalita tungkol sa kanyang lovelife

WALANG alinlangan na si AJ Raval ngayon ang pinakamainit na sexy star sa bakuran ng Viva Films kahit kalo-launch lamang sa kanya bilang sexy actress sa sexy-comedy movie na “Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar” mula sa panulat at direksiyon ni Darryl Yap at siyang naging pambuena-mano ng Vivamax streaming app nung January 29, 2021. Ito’y sinundan ng “Death of A Girlfriend” na pinagtambalan nila ni Diego Loyzaga,” ang pelikulang “Nerissa” ni Cindy Miranda kung saan sila nagkalapit ng ex-husband ni Kylie Padilla na si Aljur Abrenica, ang “Taya” with Sean de Guzman, “Shoot, Shoot” with Andrew E. at ang soon to be shown na romantic sexy-comedy movie na “Crush Kong Curly’ na pinagtatambalan nila ng dating #Hashtags member na si Wilbert Ross mula sa direksiyon ni GB Sampedro.

Sa digital presscon ng “Crush kong Curly,” iniwasang sagutin ni AJ ang usaping puso dahil takot siyang ma-bash muli. Hindi ikinaila ng dalaga ng dating action star na si Jeric Raval na sobra umano siyang naapektuhan nang maging honest siya sa pag-amin niya ng relasyon nila ng actor na si Aljur Abrenica na nangyari lamang nung hiwalay na ito sa kanyang dating misis na si Kylie Padilla. Ngayon ay iwas-pusoy na ang sexy star pagdating sa usaping `yon.

lWilbert masaya para kina Elisse at McCoy

SAMANTALA, inamin ni Wilbert Ross na hindi umano sila nagkailangan ni AJ Raval sa kanilang sexy scenes dahil nagkasama na sila sa pelikulang “Shoot, Shoot” na pinamahalaan ng actor-director na si Al Tantay.

Inamin din ni Wilbert na natutuwa umano siya sa kanyang dating kasamahan sa #Hashtags at kaibigan na si McCoy de Leon sa pagkakaroon nito ng cute baby sa girlfriend nitong aktres na si Elisse Joson.

“Nakikita ko naman kung gaano sila (McCoy and Elisse) kasaya ngayon with their baby,” dugtong pa ng bagitong actor.

Inamin din ni Wilbert na matagal na umano siyang single.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel for updates. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE