Lyca Larawan: Lyca Gairanod / IG

Lyca Gairanod no-show sa concert

October 10, 2023 People's Tonight 722 views

VIRAL ngayon sa social media ang video kung saan hindi umano sumipot si Lyca Gairanod sa kanyang concert sa Manolo Fortich, Bukidnon.

Ayon sa isang miyembro ng LGBTQIA na makikita sa video na in-upload sa FB, hindi umano buong nabayaran ng organizer ang first season winner ng The Voice Kids.

“Wala ng tao sa likod, wala na ang organizer umalis na. Wala rin si Lyca, tayong lahat ay naloko. Tinawagan namin ang organizer hindi na makontak,” aniya.

“Hindi raw buo na binayaran si Lyca pero nandoon na siya sa Cagayan de Oro kanina, sabi ng isang performer, kaya hindi umano dumiretso si Lyca dito,” dagdag pa nito.

Pagkatapos ng rebelasyon, malungkot na nag-alisan ang mga tao. Nabanggit din na kahit ang mga drummer na nag-perform ay hindi binayaran ng mga organizer.

“Yung banda nga na nag-perform kanina hindi umano binayaran, pinakain lang. Kahit sound system hindi umano binayaran,” sabi pa niya.

AUTHOR PROFILE