Lunas

LUNAS Proclamation Rally sa Taguig City

March 26, 2022 People's Tonight 476 views

Ang kapakanan ng mga ‘no-work, no-pay’ workers ang unang pagtutuunan ng pansin ng LUNAS ayon kay dating Deputy Secretary General ng Kamara de Representante at ngayon ay LUNAS first nominee Brian Raymund Yamsuan. Pinaliwanang ni Yamsuan ang mga adhikain ng LUNAS sa mahigit na 15,000 katao na dumagsa sa grand proclamation rally ng Team Lani Cayetano (TLC) at LUNAS sa Lakeshore C6 Road, Taguig City noong Biyernes ng gabi, Marso 25.

Nagpahayag ng buong suporta para sa LUNAS ang buong TLC Team sa pangunguna ni Taguig 2nd district Congw. Lani Cayetano na ngayon ay tumatakbong Mayor muli ng Taguig. Ang dalawa pang nominee ng LUNAS ay sina Taguig 1st District Councilor Darwin Bernabe Icay at Monica Ann Mitra. Numero 58 ang LUNAS sa balota sa darating na halalan sa Mayo.

AUTHOR PROFILE