Luistro nakilahok sa audit investigation
SI Batangas 2nd district Rep. Gerville “Jinky Bitrics” R. Luistro ay aktibong nakilahok sa imbestigasyon ng Committee on Public Accounts na pinamumunuan nina Joseph Stephen “Caraps” S. Paduano at Maximo Y. Dalog Jr.
Sa ilalim ng HR 145, hinihimok ang Commission on Audit na magsagawa ng special audit at fraud audit investigation sa mga gastusin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa panahon ng kampanya.
Samantala, sa ilalim ng HR 146 ay tinatanong ang aksyon ng Commission on Elections (Comelec) sa mga natanggap ng umano ng botante sa nasabi ring lalawigan sa panahong ipinagbabawal mula Marso 25, 2022 hanggang Mayo ng nasabing taon.