Luis okay lang kung kay Jessy magmana ang anak

October 2, 2022 Aster Amoyo 170 views

Luis1

NGAYON pa lamang ay excited na ang magiging brand new parents to a baby girl, ang mag-asawang Luis Manzano at Jessy Mendiola maging ang parents ni Luis, ang dating mag-asawang Vilma Santos at Edu Manzano sa kanilang magiging unang apo.

Kahit nung magkasintahan pa lamang sina Luis at Jessy ay hindi itinago ng Star for All Seasons na si Vi ang kanyang pangarap na magkaroon ng apo sa kanyang panganay na anak. Sa December ay nakatakdang isilang ni Jessy ang kanilang magiging panganay ng mister niyang si Luis.

Okey lang kay Luis kung lahat ng features ng kanilang unang baby ay makuha kay Jessy. Ang mahalaga ay maging healthy ang unang supling.

Jessy’s birthday falls on December 3 and she will be turning 30 on that day.

Kathniel

Kathryn at Daniel magpapabalik ng tao sa sinehan

WALANG duda na ang tambalang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang pinakasikat at pinakamatatag sa kasalukuyan.

Last September 26, the young couple celebrated their 11th anniversary bilang magka-loveteam together with their fans.

Sobra ang pagpapahalaga ng magkasintahan sa kanilang fans hanggang ngayon.

Bukod sa kanilang tumatakbong hit primetime TV series na “2 Good 2 Be True,” ang dalawa ay nakatakdang gumawa ng bagong movie under Star Cinema na malamang idirek ng box office director na si Cathy Garcia-Molina who directed their 2018 mega hit movie na “The Hows of Us”.

It was in February 2020 when Star Cinema announced that they are doing their reunion movie project na “After Forever” pero hindi ito natuloy dahil nagka-pandemic.

Kung gagawa sina Kathryn at Daniel ng bagong movie ay baka makatulong itong makahatak ng mga manonood sa mga sinehan.

Coco

Jodi at Coco excited sa pagsasama

NASA Amerika na ang tropa ni Coco Martin for a series of special shows bilang pasasalamat dahil sa malaking tagumpay ng longest-running action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano” na nagtapos sa ere nung August 12, 2022.

Ang grupo ng Team Aguila na binubuo nina Michael de Mesa, Raymart Santiago, Bassilyo, Smugglaz, Jay Gonzaga, John Medina, Mark Solis at Sancho de las Alas ay magtatanghal sa Sycuan Casino in San Diego, Yaamava Resort and Casino in San Manuel at sa Farrington High School Auditorium in Honolulu, Hawaii with Jodi Sta. Maria as special guest.

Aside from the concert, magsu-shoot na rin si Coco ng ilang eksena doon with Jodi para sa kanilang Metro Manila Film Festival movie na “Labyu with Accent” na si Coco rin ang director using his real name, Rodel Nacianceno.

Excited sina Coco at Jodi sa kanilang first movie together, laluna na ang aktres na first time makakatrabaho ang actor-director.

Ronnie

Ronnie at Mariz nilayuan ng mga kaibigan

HINDI ikinakaila ng actor-director-producer at dating Optical Media Board (OMB) chairman na si Ronnie Ricketts na marami umano siyang kaibigan ang lumayo nang siya’y madawit sa corruption charges na binaliktad naman ng Supreme Court.

Ngayong malinis na ang kanyang pangalan, gusto niyang balikan ang showbiz career which took the back set dahil sa nangyari at maging ng more than two years pandemic.

Ayon sa actor-director, nag-iisip umano siya ng project na kanyang gagawin na malamang siya rin ang magsulat at magdirek.

“Nakaka-miss ding gumawa ng pelikula,” pag-amin pa ni Ronnie who plans to take a vacation in the US with his family.

Twenty-eight years na ang pagsasama bilang mag-asawang nina Ronnie at Mariz na isa sa pinaka-successful ang marriage in showbiz.

Ang lahat ng mga nangyari kay Ronnie at sa kanyang pamilya ay lalo lamang umanong nagpatatag ng kanilang pagsasama ni Mariz kasama ang kanilang dalawang anak na sina Marella at Raechelle. Pareho nang tapos ng pag-aaral at nagta-trabaho na rtin ang dalawa although Marella is still taking up her master’s in Paris, France supporting herself.

Ngayong nasa Paris si Marella pursuing her dreams, si Raechelle na lamang ang kasa-kasama ng mag-asawang Ronnie at Mariz sa kanilang bahay although regular umano silang nagku-communicate with their eldest daughter through video calls.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE