Luis nakipagbardagulan sa bashers
Ang daming pumuri sa interbyu ni Luis Manzano sa two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo sa vlog nito na “Luis Listens” pero at the same time ay napakarami rin niyang bashings na natanggap.
Ang nakakatuwa, nakipagbardagulan din si Lucky sa kanyang bashers na labis na ikinatuwa ng netizens.
Sobrang nakakaaliw naman talaga ang mga sagot ni Luis sa mga hindi magagandang reaksyon ng kanyang followers.
Tulad na lang ng komento ng isang netizen na ito: “Sir Lucky Manzano sunod na interbyuhin mo pa ito mag a unfollow na tiga ko….”
Sagot ng TV host, “Baka nga interviewhin ko pa po talaga ulit para lang mag unfollow ka, teka tawagan ko nga.”
Sabi naman ng isa, “Sa lahat ng vlog ito yung hindi ako interesado Luis.
Reply naman ni Luis, “Di ko mahanap yung pake ko po.”
Heto pa sabi ng isa: “Lucky pumili ka naman interview hin walang mapulot na aral diyan.”
Sabi naman ng isa, “Nakakasuka na lucky makita si caloy pasensya na etong vlog mo kay caloy ay poor walang sense kase hindi dapat i promote ang mga tao na salbahe sa magulang pero pakitang gilas sa family nang gf. Nakakasuka ka caloy para ipis ang tingin ko sayu. Nawala yung paghanga ko sayu sa galing mo sa gymnast. Bastos na anak ka caloy. Ang tao hindi lumingon sa pinang galingan ay sa basurahan sng pupuntahan.”
Ang witty na sagot ni Luis, “baka buntis lang po kayo?”
Hahaha!
Pero ang bongga rin naman ng positive comments na natanggap ni Luis. Narito ang ilan: “This is how you interview an Olympic Gold Medalist, highlighting Carlos Yulo’s talent, hardships, and achievement..Natabunan kasi ang winning moment nya ng ibat ibang issues. Good Job Luis.Congrats again Carlos Yulo.”
“This interview is well-deserved for Carlos Yulo. It maintains a respectful tone and avoids personal or intrusive questions. I appreciate how humble and soft-spoken Carlos is—he’s truly admirable.”
“Finally, a refreshing interview without the mentioning anything about his family issues. Galing mo talaga Luis!”
“This is a very nice interview. Focused on Carlos’ achievements and his journey as an athlete. With the best sense of humor from Luis as always. Congratulations, Carlos!!! You brought much honor to the Philippines!”