Luis & Vilma

Luis, bukas sa pagsabak sa pulitika

May 22, 2021 Vinia Vivar 170 views

Nagpa-question and answer si Luis Manzano sa kanyang mga follower sa Facebook via livestream at isa sa mga naitanong sa kanya ay kung may balak siyang pumasok sa pulitika.

“Wala pa, pero malay natin, nakikita ko, baka naman nasa horizon ’yan — ang pagiging isang politiko. Dahil naniniwala nga ako na lahat tayo meron tayong obligation o responsibility to serve.

“We have different capacities. Puwedeng from a simple act of service, or pwedeng through public service talaga. So, para sa akin, hindi ko isinasara ang pinto ko sa pulitika,” pahayag ni Luis.

Pagkatapos nito ay siya naman ang nagtanong sa followers.

Aniya, “Pero ang tanong, ito ang pinakamagandang tanong — kung sakali ba na tumakbo ako, iboboto n’yo ba ako? May tiwala ba kayo sa akin pagdating sa boto ninyo? Iyon ang pinakamagandang katanungan.”

May mga sumagot naman ng positibo at kinukumbinsi siyang tumakbo kaya nagpasalamat si Luis.

“Maraming, maraming salamat sa kumpiyansa na ’yun. Well, tingnan natin kung tatakbo ako, tingnan natin kung anong posisyon. Thank you so much na, so far, maraming may tiwala naman sa akin pagdating sa public service,” saad ni Luis.

Patuloy pa rin ang magagandang komento ng netizens tungkol sa pagpasok niya sa pulitika kaya sey ulit ni Luis, “Ano gusto n’yo ba? Ang filing ng candidacy ay October, kung hindi ako nagkakamali. Puwedeng-puwede pang humabol, kung sakali man.”

Ayon pa kay Lucky, two elections ago pa ay may mga kumakausap na sa kanya na tumakbo pero feeling daw niya ay hindi pa talaga time nang mga panahong iyon.

“Dahil syempre, isipin n’yo, nu’ng time na ’yun, eh, sobrang busy ko sa showbiz work. So, ang pangit naman na kung tatakbo ako sa pulitika, tapos, mas busy ako sa ABS or sa TV. Para sa akin, parang binabastos ko ’yung boto ninyo,” aniya.

Kaya kung tatakbo raw siya ay dapat na kaya niyang magbigay ng oras dahil unfair naman sa mga bumoto sa kanya sakaling manalo siya.

As we all know, ang ina ni Luis na si Vilma Santos ay matagal nang public servant at isa sa may pinakamagandang record sa pulitika, gayundin ang mister nitong si Sen. Ralph Recto at siyempre, ang daddy niyang si Edu Manzano kaya may background na ang TV host sa politics at hindi nga malayong maging politiko rin siya in the near future.

PUMAYAG SA IVF

Nanaig ang pagmamahal ni Rita (Yam Concepcion) kay Peterson (JM de Guzan) kaya pumayag na siya sa kahilingan ng asawa na magkaanak sa paraan ng IVF o in vitro fertilization, nitong Miyerkules (Mayo 19) sa Init Sa Magdamag.

Natagalan rin bago pumayag si Rita na sumailalim dito dahil sa trauma na naranasan sa pagkamatay ng anak niya kay Tupe (Gerald Anderson).

Naging dahilan pa ng tila walang katapusang away nilang mag-asawa ang kanyang pagdadalawang-isip.

Ngunit matapos makausap ang dalawang matalik na kaibigan, napagtanto ni Rita na mas matimbang ang kanyang pagmamahal sa asawa kesa sa takot na mawalan muli ng anak.

Panoorin ang Init sa Magdamag gabi-gabi, 9:20, sa TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Jeepney TV at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.

Sa labas ng bansa, ito ay mapapanood sa The Filipino Channel. Mapapanood naman ang advance episodes nito sa iWantTFC, WeTV at iflix.

AUTHOR PROFILE