Jessy Luis

Luis at Jessy, mangungupahan habang nire-renovate ang ‘dream house’

November 2, 2021 Vinia Vivar 87 views

Sa latest YouTube vlog ni Jessy Mendiola ay ibinalita niyang pinapa-renovate nila ang kanilang bahay ni Luis Manzano kaya pansamantala ay magrerenta muna sila ng matitirahang bahay.

Dahil dito, kailangan daw nilang mag-shopping ng mga bagong furniture para sa bagong bahay na lilipatan.

Ipinakita ni Jessy sa vlog ang pag-iikot niya sa mga furniture shop.

Bumili siya ng drawer, shelves, kama, silya, table, ottoman, lamp shades, etcetera.

Naka-limang furniture stores sila at ang ending, gumastos siya ng tumatagiting na P200,000.

“Okay lang, sulit ‘yun. Kasi, kumbaga, ‘yung furniture na binili namin, ‘yun na ‘yung gagamitin namin sa aming future house na ire-renovate.

Sinabi rin ni Jessy na sobrang excited na sila ni Luis sa renovation ng lumang bahay nila dahil ito na ‘yung dream house nila.

“We’re very, very excited kasi, dream house talaga namin ‘to ni Lu, but siyempre, ayaw naming madaliin, ’di ba? Kaya kami kumuha ng rental house. But of course, kahit pa rental house, you have to make it a home.

“And ‘yun, sobrang saya namin. We’re just really, really grateful that everything fell into place. Sobrang ganda nu’ng bahay,” aniya.

‘Yun nga lang nawindang daw siya sa mga presyo ng furniture.

“Grabe, nawindang ako sa presyo, grabe. Pero okay lang, it’s all worth it,” sambit ni Jessy.

AUTHOR PROFILE