Luis

Luis at Jessy, hati sa mga gastusin

September 18, 2021 Vinia Vivar 36 views

Itinanggi ni Luis Manzano na siya ang sumasagot ng lahat ng gastusin nila sa bahay dahil ang totoo raw ay hati sila ng misis na si Jessy Mendiola.

Sa latest vlog ni Jessy ay sinagot ng mag-asawa ang mga assumption ng netizens tungkol sa kanilang relasyon at isa na nga rito ay ‘yung si Luis ang nagbabayad lahat ng household expenses nila.

“Hindi. Kaya kong sabihin. Mula noong naging kami up to kinasal kami up to this na nagko-conversation tayo, hati talaga kami talaga sa lahat. May kanya-kanya kaming toka,” paglilinaw ni Luis.

Halimbawa na lang daw kapag kumakain sila sa restaurant, may time na siya ang nagbabayad at may time naman na si Jessy.

“Tina-try ko parating gawan ng paraan na kapag mahal ‘yung restaurant, siya (ang magbabayad),” sabi ni Luis.

Umayon naman si Jessy.

“Oo, alam n’yo, ginagawa niya ‘yun. Like kunyari, binubudol niya ako na ‘last time ako nagbayad, o ikaw naman ngayon.’ Pero ‘yung mga pinipili niyang restaurant na ako ‘yung magbabayad, ‘yung alam mong dalawa lang kami, P10,000 ‘yung bill,” kwento ni Jessy.

Pati sa mga travel nila ay lagi silang hati.

“Let’s say, akin ‘yung flights, sa kanya ‘yung lodging or vice-versa. Ganu’n kaming dalawa,” sey ni Luis.

Pagdating naman sa mga luho, ibang usapan na raw ‘yun pero minsan daw ay nagtutulungan pa rin sila.

“Categorically, kaya naming sabihin na hindi one-sided ang gastusan namin. Talagang eksakto, safe to say, hati talaga,” sabi pa ni Luis.

AUTHOR PROFILE