Truck Ikinasa ng LTO-Region 3 ang anti-overloading operations laban sa lumalabag na mga truck na bumabagtas sa Tabang, Bulacan. Photo courtesy of LTO Region 3

LTO Region 3 nagsagawa ng ops kontra ‘overloading’ ng mga trak

December 10, 2022 People's Tonight 93 views

APAT na “overloaded” na trak ang dinakip ng pinagsanib na puwersa ng Land Transportation Office (LTO) Region 3 at Department of Public Works and Highway (DPWH) sa isinagawang anti-overloading operations at pag-iinspeksiyon sa Tabang, Bulacan, Biyernes ng gabi hanggang Sabado ng madaling araw.

Ayon kay LTO Region 3 Director Eduardo De Gusman ang anti-overloading campaign, ito ay bilang tugon sa utos ni Assistant Secretary at LTO Chief Atty. Jose Arturo Tugade at Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime J. Bautista na pag-ibayuhin pa ang pagtugis sa mga truck drivers na matitigas ang ulo na lumalabag sa batas.

Ayon kay De Gusman lalo pa nilang pinaigting ang kampanya laban sa mga truck na lumalabag sa anti-overloading law lalo nasa “peak season” dulot ng Kapaskuhan at holidays.

Ayon sa statistics at pag-aaral, 98% ng mga truck na sangkot sa mga madugong vehicular accident ay dahil sa labis na karga o dala ng mga truck.

Ipatatawag din ng ahensiya ang mga may-ari ng truck upang tanungin kaugnay sa nasabing paglabag, dagdag ni Gusman.

AUTHOR PROFILE