Default Thumbnail

LTO naglabas ng show cause order vs Makati driving school

November 19, 2021 Jun I. Legaspi 528 views

Mga biktima nagpasalamat sa agarang action nina Galvante, Guinto

NAGLABAS ng ‘show cause order’ (SCO) ang Land Transportation Office (LTO) laban sa isang driving school sa Makati City upang pasagutin hinggil sa reklamong hindi pagtupad sa obligasyong tapusin ang ‘driving lessons’ na binayaran sa kanila ng dalawang ‘estudyante’ sa lungsod.

“This pertains to the alleged violation of Memorandum Circular 2021-2284Article 7, Sectin 26-C.4 “Failure to completely carry out its duly approved course syllabus,” except from Opinion/News published by People’s Tonight newspaper relative to the complaint on the failure to complete the Practical Driving Course (PDC) of two students who were already paid and issued official receipt (OR#11349 and 11341) dated June 01, 2021,” anang SCO.

Pirmado ito ni Marinette D. Abarico, chief Transportation Regulation Officer (TRO) ng LTO-Makati District Office, at ipinadala nitong Biyernes sa driving school sa nasabing lungsod.

Ang SCO ay paunang proseso ng tanggapan ni Atty. Clarence V. Guinto, hepe ng LTO-National Capital Region-West, upang malaman kung bakit may mga sumbong na katulad ng ganito.

Tugon din ito ni Guinto hinggil naman sa mahigpit na kautusan ni LTO chief, Assistant Secretary Edgar Galvante na aksiyunang mabuti ang anumang sumbong at reklamo ng bawat mamamayan.

Nabatid na isang mag-asawa ang lumapit kay veteran journalist Marlon Purificacion, kolumnista sa People’s Tonight, upang isumbong ang reklamo na transaksiyon na isinagawa sa kanila.

Ini-enroll ng mag-asawa ng kanilang anak, kasama ang isa pang pinsan para mag-aral magmaneho.

Binayaran nila ito sa halagang P22,000 o tig-P11,000 bilang enrollment fee kapalit 11 oras na pag-aaral sa pagmamaneho.

Ang anak ng ‘complaint’ ay medical student sa De La Salle University, samantalang ang pinsan nito ay isang registered psychologist sa isang hospital sa General Trias, Cavite.

Napag-alamang June 6, 2021 pa nang magbayad sa driving school ang mga biktima. Ngunit matapos ang isa hanggang dalawang sesyon ng mag-pinsang dalaga ay hindi na sila tinawagan o binigyan uli ng ‘schedule’ para sa ‘practical driving class.’

Nang magpunta ang mga magulang ng dalaga sa driving school, tinanong daw sila ng isang babae kung kanino sila nagbayad.

Ipinakita ng mag-asawa ang dala nilang mga resibo na pirmado ng isang nagngangalang Dannah C.

Sabi ng babae sa driving school na wala raw Dannah sa kanilang opisina at tinanong pa ang mag-asawa kung ano ang hitsura nito.

“Bakit kami ang tatanungin kung ano ang hitsura ni Dannah? Tao nila iyon. May dala kaming resibo. Ano ‘to, na-estafa kami?’ sabi ng tatay ng medical student na nakiusap huwag banggitin ang pangalan.

Dahil dito, kaagad umaksiyon si Guinto sa sumbong at inatasan si Abarico upang hingan ng paliwanag ang driving school.

“In line with this, you are hereby directed to submit an Answer, in writing and under oath, to this Show Cause Order, within five (5) days from receipt hereof on the foregoing allegations. In your answer, please submit supporting documents/sworn statements,” anang SCO.

“Failure on your part to comply shall be deemed a waiver on your part to be heard and shall constrain this office to recommend for disciplinary action including cancellationof your accreditation for violating the provisions of Memorandum Circular 2021-2284,” babala pa sa SCO.

Kaugnay nito, kaagad namang nagpasalamat ang negosyante sa agarang aksiyon ng LTO.

“Thank you sa LTO. Maraming salamat kay Asec. Galvante at Atty. Guinto. Ang akala kasi naming mag-asawa ay naloko na kami nang husto ng nasabing driving school. Salamat at may mga opisyal tayong katulad nina Asec Galvante at Atty. Guinto na mabilis umaksiyon,” anang businessman.

Sa ngayon, ang gusto ng negosyante ay ibalik na lamang sa kanila ang perang ibinayad nila. “Pero sana ‘wag na nilang gawin iyan sa ibang kilyente nila kasi naabala kami ng husto. Sigurado ako na marami pa ang magko-complaint at sana hindi na maulit pa sa iba nilang customer,” sabi pa nito sa People’s Tonight.

AUTHOR PROFILE