tugade

LTO naghahanda sa 10-year validity ng driver’s license

August 16, 2021 Jun I. Legaspi 503 views

DOUBLE effort ngayon ang Land Transportation Office (LTO) sa paghahanda sakaling matuloy na ipatupad ang 10-year validity ng driver’s license, ayon sa agency.

Ayon sa agency kung posible at matapos ang mga simultaneous consultation na ginagawa ng LTO leadership sa buong bansa target na ipatupad ang programa bago matapos ang 2021 ayon sa kautusan ni President Rodrigo Road Duterte at Department of Transportation (DOTr) Sec. Arthur Tugade.

Sa consultation via video conferencing ng LTO-National Capital Region-West sinabi ni Bogs Luarca, chief ng LTO-Las Piñas Licensing Offce, lahat ng mga suggestions na pinag-usapan kasama ang mga transport group leaders, medical experts at iba pang mga sector ng society ay ibibigay sa LTO-Central Office para sa mas higit na evaluation, in-depth study at scrutinization para maging katanggap tanggap sa lahat ng sector lalo na sa publiko sakaling ipatupad ito.

Isa sa mga primarily concern na pinaabot ng mga medical experts na kasama sa consultation ay ang medical condition ng bawat individual kung angkop ba ang pagbibigay ng 10-year validity.

Dapat din maging malinaw ang mga guidelines tulad halimbawa sa hanay ng mga senior citizens (SC) at mga piling person with disability (PWD) kung angkop din sila sa programa.

Sa bahagi ni LTO-NCR-West Assistant Regional Director Roque “Rox” Versoza III, tiniyak nito na masusing pinag-aaralan ng leadership ang agency ang program upang matiyak na maayos na maipatutupad ang programa oras na matuloy ito bago matapos ang 2021 ayon na rin sa kautusan ni President Duterte.

“Kaya po ginagawa ng agency ang consultation na ito ay para malaman ang pulso ng lahat ng sector tulad ng transport groups, medical experts at iba pang sector ng society upang siguruhing maayos na makabuo ng policy bago ipatupad, ayon na rin sa mahigpit na kautusan ng aming Regional Director Atty. Clarence V. Guinto at LTO Chief Edgar Galvante lalo na po si President Rodrigo Duterte at Sec. Tugade,” saad ni Versoza III.

Pinasalamatan din ni Roque ang mga transport group leaders, medical experts practitioners, LTO-Licensing district chiefs at division heads ng agency na kasama sa video conferencing.

Naniniwala si Roque na positibo ang ginawang consultation ng agency sa lahat ng concerns sectors.

AUTHOR PROFILE