Mendoza

LTO fixers lulutasin sa tulong ng PNP, soc med

August 1, 2023 Jun I. Legaspi 275 views

PLANO ni Land Transportation Office (LTO) Chief Asst. Secretary Atty. Vigor Mendoza II na humingi tulong sa Philippine National Police (PNP) para masawata ang operasyon ng fixers sa lahat ng tanggapan ng ahensya.

Dapat din isama sa operasyon sa pagsupil sa mga fixer ang social media.

“We are planning to conduct operations on a regular basis. Sustained operations of PNP and the LTO will surely make these fixers think twice before engaging in their illicit activities,” wika ni Mendoza.

Paliwanag pa niya, makatutulong sa tuloy-tuloy na operasyon ang pagpapakalat ng mga “mystery applicant” na inatasang i-ulat ang estado ng operasyon at service transactions sa lahat ng district offices ng LTO.

Isa sa mga istratehiya ng LTO chief ang pagpapakalat ng “mystery applicants” para makita nang malinaw kung ano ang nangyayari sa mga district offices, kabilang na ang pagtukoy sa mga problema sa serbisyo na maaari pang pag ibayuhin.

Binigyang diin pa niya na ang patuloy na operasyon laban sa mga fixer at pagpapaganda ng serbisyo ay bahagi ng magandang formula para itaboy ang mga fixer mula sa kanilang iligal na gawain.

Kasunod niyan, sinabi ni Mendoza na hindi na tatangkilikin ng publiko ang tulong ng mga fixer kung nakikita nilang episyente at epektibong naibibigay ng LTO ang kanilang serbisyo.

AUTHOR PROFILE