Default Thumbnail

LTO Central mobile vax drive handa na

February 14, 2022 Jun I. Legaspi 374 views

MAGKATUWANG na sinimulan ng Department of Transportation, Land Transportation Office at Metropolitan Manila Development Authority (DOTr-LTO-MMDA) ang mobile vaccination para sa mga commuters, drivers at workers sa Quezon City.

Ang apat na araw na activity simula February 14 hanggang 17, 2022 at isasagawa sa LTO-Central Office compound, East Avenue, Quezon City

Magiging bukas ang naturang bakunahan bandang 8:00 ng umaga hanggang 2:00 ng hapon.

Target nitong makapagbigay ng 500 doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccine kada araw upang makatulong sa vaccination rollout ng gobyerno sa bansa.

Gagawing prayoridad sa vaccination drive ang pagbibigay ng booster doses, ngunit magiging bukas din ito para sa first at second doses.

Payo naman sa walk-in vaccinees, magparehistro mismo sa LTO-Central Office.

AUTHOR PROFILE