Guadiz

LTFRB sa drivers: Fuel subsidy pang gas, diesel lang

September 18, 2023 Jun I. Legaspi 150 views

NILINAW ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Atty. Teofilo Guadiz III na hindi pwedeng gamitin ang fuel subsidy sa ibang bagay dahil pambayad ito sa mga piling gasolinahan para sa mga produktong petrolyo.

Binigyang-diin ni Guadiz na maaaring makatanggap ng fuel subsidy ang lahat ng driver ng mga pampublikong sasakyan, maliban sa mga truck-for-hire drivers.

“Walang pinipili yang fuel subsidy. Amin pong binibigyan ng fuel subsidy ang lahat ng mga nasa transport group. It will be available for everybody, including tricycles,” pahayag ni Chairman Guadiz.

“Consolidated man o hindi, tradisyunal man o modernized ang yunit, mayroong tyansa ang lahat ng operator na makatanggap ng subsidiya mula sa pamahalaan,” pagdidiin pa ng opisyal.

Magkakaiba ang halaga ng subsidiya na nakalaan para sa mga operator ng mga pampublikong sasakyan dahil nakadepende ito sa dami ng konsumo na kinakailangan ng kanilang pampublikong sasakyan, ayon sa opisyal.

Para sa iba pang detalye hinggil sa pagpapatupad ng Fuel Subsidy Program, tumutok sa mga official social media account ng LTFRB.

AUTHOR PROFILE