LTFRB nagtakda ng hearing sa prov’l bus operators

April 23, 2022 Jun I. Legaspi 89 views

ITINAKDA ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa May 10, 2022 ang hearing ng anim na provincial bus operators upang magpaliwanag kung bakit hindi bumiyahe ang kanilang mga bus na hindi sakop ng oras ng “window hours”, ayon sa awtoridad.

Ayon sa report, nag-ugat ang isyu ng pagpapatawag sa anim na bus company nang hindi bumiyahe ang mga ito noong Miyerkules, Abril 20,2022 kung saan libo-libong pasahero ang na-stranded sa Central Luzon at mga terminals sa Metro Manila.

Nauna rito pinadalhan ng “show cause order” ng board ang anim na bus company upang pagpapaliwanagin kung bakit hindi sila bumiyahe na naging sanhi ng pagkakaistranded ng maraming mga pasahero lalo na ng mga manggagawa.

Ayon sa LTFRB, puwede naman silang pumasok ng Metro Manila kahit hindi window hours, dahil sa umiiral na polisiya ng gobyerno na dapat silang sumunod ayon sa regulasyon kung saan may mga itinalagang mga Integrated Terminal Exchange (ITX).

Sa opisyal na pahayag na iniisyu ng Provincial Bus Operators Association of the Philippines (PBOAP) mariing itinanggi ng mg opisyales at miyembro nito na nilabag nila ang rules and regulation ng prangkisa nila at iginiit na sumunod lang sila sa batas.

AUTHOR PROFILE