LTFRB nagpasalamat kay PBBM sa pagsuporta sa PUVMP
NAGPASALAMAT si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairperson Atty. Teofilo Guadiz III noong Miyerkules kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa patuloy na pagsuporta sa Public Transportation Modernization Program (PTMP), na dating Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP), kasunod ng mga panawagang suspindihin ang pagpapatupad nito.
“I extend my utmost gratitude to President Ferdinand Marcos Jr. for his unwavering support to the Public Transportation Modernization Program and to the LTFRB,” saad ni Chairperson Guadiz.
Ayon sa LTFRB chief, ang matatag na pangako ng PBBM ay nagpapatibay sa kahalagahan ng modernisasyon ng sistema ng pampublikong transportasyon ng bansa para sa kaligtasan, kahusayan, at pagpapanatili ng kinabukasan ng bansa.
Sa isang panayam noong Miyerkules, August 7, sinabi ni Pangulong Marcos na hindi siya sumasang-ayon sa mga panawagan na ipagpaliban ang PTMP para sa isa pang pagsusuri.
“I disagree with them because sinasabi nila minadali. This has been postponed seven times. The modernization has been postponed for seven times,” giit ng Pangulo.
Binanggit ng Chief Executive na ang mga tumututol sa programa ay ang minorya.
“Eighty percent have already consolidated. So paano naman ‘yung 20 percent ang mag-de-decide ‘yung buhay ng 100 percent,” pagbibigay diin ng pangulo.
“So pakinggan natin ‘yung majority at ang majority sinasabi, tuloy natin. So that’s what we will do,” dagdag pa nito..
Sinabi ni Chairperson Guadiz na ang President “leadership and vision for a modernized transportation infrastructure are vital in addressing the evolving needs of our commuters and ensuring a more reliable and eco-friendly public transportation network.”