Default Thumbnail

LRT, MRT libreng sakay sa ‘Araw ng Kalayaan’

June 10, 2023 Jun I. Legaspi 336 views

SA Lunes, Hunyo 12, 2023, ay magbibigay ng “Libreng Sakay” ang Light Rail Transit (LRT) Lines 1, 2, at Metro Rail Transit (MRT) 3 bilang paggunita sa ika-125 anibersaryo ng “Araw ng Kalayaan” ng bansa.

Ayon sa management ng LRT Lines 1, 2, at MRT-3, ang libreng sakay sa mga pasahero ay magsisimula 7:00 hanggang 9:00 sa umaga at 5:00 ng hapon hanggang 7:00 sa gabi.

Ang nasabing programa ay handog sa mga pasahero bilang pagdiriwang at pakikiisa sa “Araw ng Kalayaan,” ayon sa management.

Samantala, ipinaalam ng LRT Line 2 management na aalis ang unang tren sa Recto Station at Antipolo Station ng 5:00 ng umaga.

Habang ang huling tren naman sa Antipolo Station ay aalis ng 9:00 ng gabi at 9:30 ng gabi naman sa Recto Station.

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang mga loyal commuters ng LRT Line 1, 2, at MRT-3 sa nasabing libreng sakay.

AUTHOR PROFILE