LPG Agad nagtungo si MPD Director PBGen. Andre P. Dizon kasama si PLT.Col.Salvador Tangdol (kanan) ng Malate Police Station 9 sa pinangyarihan ng pagsabog. Nagbibigay ng investigation report si Senior Fire Officer 4, Edilberto Cruz (kaliwa), team leader ng Arson Division ng Bureau of Fire Protection (BFP). Kuha ni JON-JON C. REYES

LPG tank sumabog sa loob ng laundry shop, 16 sugatan

January 31, 2023 Jonjon Reyes 1196 views

LABING-ANIM na indibiduwal ang naiulat na nasugatan matapos sumabog ang liquefied petroleum gas (LPG) tank na naging sanhi ng sunog sa laundry shop sa Malate, Manila, Lunes ng gabi.

Isinugod sa tatlong pagamutan o hospital ang mga biktima na nasa edad 17 hanggang 51 anyos. Sila ay nagtamo umano ng 1st degree burns sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Salvador Tangdol, hepe ng Manila Police District- Malate Police Statiion 9, pasado 7:25 p.m. nang maganap ang pagsabog sa 360 Wash Laundry Shop ,sa Mac Torre residence na matatagpuan sa 2223 Fidel Reyes Street sa panulukan ng Noli St sakop ng Barangay 708 sa Malate.

Agad rumesponde sina MPD Director Police Brig. General Andre Dizon at PLT.Col.Tangdol kasama ang mga tauhan ng Malate Police Station upang mapangalagaan ang kapaligiran at seguridad ng mga nasa paligid na estalbisiyemento.

Nabatid kay Senior Fire Officer 4, Edilberto Cruz , team leader ng Arson Division ng Bureau of Fire Protection (BFP) na bandang 7:35 p.m. nang under control ang sunog at dakong 7:48 p.m. tuluyan naapula.

Lumitaw sa imbestigasyon ni Senior Fire Officer 2 Joshua Emmanuel Galura , may hawak ng kaso, na pitong biktima ang nilulunasan sa Philipine General Hospital (PGH). Sila ay sina Julius Opaque, 47,Marilyn Viray, 51,Clarence Cabrera, 28,Jimmy Cabrera, 33,Dionisio Aguinsatan, 51,Janine Aguinsatan,31,at Jaille Fito, 43.

Ang iba ay isinugod sa Adventist Medical Center Manila at nakilalang sina Ken Santos,19,Ten Pizaña.18,Freddy Boy,46,Reuben Burgenio, 20,Oceana Larlena, Shane Costaños,17, Angel Vivas, 51.

Ang nasa Ospital ng Maynila ay sina Almonsor Panda 20, at Alyssa Paliwan Concha ,27.

Ayon sa mga saksi, nakarinig sila ng malakas na pagsabog saka nag-apoy ang laundry shop.

Una umanong sumingaw ang LPG tank.

Umabotr sa mahigit na 10 truck ng pamatay sunog ang mabilis na rumesponde kung kaya’t agad naagapan ang paglaki ng apoy.

Ayon naman kay Police Major Philipp Ines, ng Public Information Office, kasalukuyang nagsasagawa ng patrolya at nag iikot lulan ng motorsiklo si Dizon sa lugar, kasama ang grupo nito.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng BFP, bukod sa pagsisiyasat ng MPD- Malate Police Station 9 , kung dapat managot ang may ari ng shop. Inaalam din kung magkano ang halaga na naging pinsala sa nasabing insidente..

AUTHOR PROFILE