LPG sumabog sa party, 1 patay sa Tondo

March 30, 2022 Jonjon Reyes 312 views

HINDI na naisalba ang isang 23-anyos na binata sa Tondo Medical Center habang walo pa ang nasa malubhang kalagayan makaraang sumabog ang Liquefied Petroleum Gas (LPG) habang nasa gitna ng pagdiriwang ng isang birthday sa Tondo, Maynila hapon nitong Linggo.

Kinilala ang biktimang si Angelito Carlito, binate, isang construction worker, at residente ng Vitas Tondo ay pumanaw nitong Martes ng umaga habang inoobserhahan sa nabanggit na ospital.

Dalawang kasamahan ng biktima ang inoobserbahan pa rin sa naturang pagamutan.

Anim naman ang isinugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center kabilang ang isang 8 taong gulang na babae.

Batay sa ulat ni Det. Christian Joseph Pineda na isinumiti kay P/Lt. Adonis Aguila, hepe ng Manila Police District (MPD) Homicide Section, pasado ala-1:30 ng hapon nitong Linggo Marso 27, nang maganap ang insidente sa Vitas Street sa Tondo.

Isang masayang inuman at handaan ang nagaganap sa nasabing okasyon nang biglang sumabog ang naturang LPG tank.

Rumesponde naman at nag-imbestiga sa nangyaring pagsabog si Fire Inspector Ronald Lim ng Manila Fire Department, Bureau of Fire Protection (BFP). Nina Jon-jon Reyes at C.J Aliño

AUTHOR PROFILE