PAGASA Source: PAGASA

LPA maaaring pumasok sa PAR sa susunod na linggo

September 6, 2024 Melnie Ragasa-limena 341 views

MAAARING pumasok ang low pressure area (LPA) sa Philippine Area of Responsibility (PAR) at palakasin ang habagat sa susunod na linggo, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sinabi ni PAGASA weather specialist Ana Clauren-Jorda na binabantayan nila ang dalawang weather disturbance at isa rito ang LPA na malapit na sa PAR.

Hahatak sa habagat ang sama ng panahon na magdudulot ng mga pag-ulan sa Metro Manila at western Luzon sa susunod ng Linggo.

Ang iba pang banta ng tropical cyclone inaasahang papasok sa PAR sa kalagitnaan ng Setyembre at magpapalakas din sa habagat.