Loyal ShaGab fans kinilig sa post ni Gabby
Masayang-masaya ang loyal fans ng dating mag-asawa at dating magka-loveteam na sina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta sa latest Instagram post ng aktor.
Nag-post si Gabby ng snaps ng “Dear Heart” concert tour nila sa US and Canada at mapapanood dito ang sweetness nila ni Sharon on stage.
Bale ba, ang background music na ginamit ni Gabby ay “Even Now” ni Barry Manilow na ang lyrics ay tungkol sa isang lalaki na mahal pa rin ang kanyang ex-partner kahit may kanya-kanya na silang buhay.
Sa caption ay nagpasalamat si Gabby sa fans nila ni Sharon na hanggang ngayon ay nandiyan pa rin at sinusuportahan ang tandem nila.
Inamin din ng aktor na naging close silang muli ng kanyang ex-wife during the tour at mas naiintindihan na raw nila ang isa’t isa ngayon.
“Nagpapasalamat ako sa mga fans namin sa mga tao na hindi bumibitaw at naging possible yung concert tour na ito.
“… that we got closer again, understood each other better… made us both a better person,” aniya.
“… then she broke down in tears
“… that I comforted her with care. Konting humor na I did not have my hanky ( panyo),” bahagi pa ng caption ni Gabby.
“…. I felt something building up from within but she manifested it first…… I realized at that very momemt, these were…’tears of joy’,” sey pa ng ex-husband ni Sharon.
Makikita nga sa video na napaiyak si Sharon sa stage at niyakap siya ni Gabby para i-comfort.
Sa comment section ay labis ang kasiyahan at pasasalamat ng fans na okay na ulit ang relasyon ng kanilang mga idolo.