Lovi

Lovi, nahihirapang magplano ng kasal

August 19, 2023 Vinia Vivar 158 views

Matapos ang announcement ni Lovi Poe ng kanyang engagement sa British film producer na si Monty Blencowe, inamin ng aktres sa isang panayam na nahirapan siya sa pagpaplano ng kanilang kasal.

“It was tough. Sobrang hirap mag-wedding planning. Du’n mo talaga mate-test, so many things you have to consider,” sey ni Lovi.

Ang aktres ang bride cover girl ng isang online magazine kung saan ay nakasuot siya ng wedding gown, her first photo shoot after the engagement announcement.

Ayon kay Lovi, very hands-on din ang fiancé niyang si Monty sa preparasyon at ito ang nag-aasikaso kapag hindi siya pwede dahil nasa taping siya.

“He’s very hands-on. A lot of my friends appreciate the fact that when I’m on set, he goes on meetings with people from the wedding planner, the florist and everything,” kwento ng aktres.

Sa naturang panayam ay ibinahagi rin ni Lovi ang ilang detalye ng proposal ni Monty sa kanya several years back.

May charity polo event daw si Lovi sa Los Angeles nang time na ‘yun at binisita siya ng kanyang sister na nasa New York.

‘Yun pala ay may plano nang mag-propose si Monty the following night sa Malibu.

Pero dahil nalasing sila ng sister niya that night, naunsyami ang plano ni Monty na mag-propose at kinabukasan pa ng umaga ito nagawa.

“I usually wake up early in the morning, 4 o’clock or so, to go out for a run and watch the sunrise. That’s not his thing, he’s not a morning person. So the next day, he’s like, you know what, I’ll watch the sunrise with you,” kwento ni Lovi.

At doon na na nga naganap ang proposal.

Habang nasa beach daw sila, watching the sunrise, sinabihan si Lovi ni Monty na ipikit ang kanyang mga mata na ginawa naman ng aktres.

Pagdilat niya ay nakaluhod na sa harap niya si Monty.

“And then he asked me… it happened so fast, I said yes,” sey ni Lovi.

So far, wala pang nire-reveal na date at place ang aktres ng kanilang kasal pero sa malamang ay very soon na ito magaganap.

AUTHOR PROFILE