Lovi

Lovi, muntik tanggihan ang ‘The Other Wife’

July 12, 2021 Vinia Vivar 178 views

Kahit pandemic, ratsada pa rin si Lovi Poe sa paggawa ng mga proyekto. Katatapos lang niya ng digital film na The Other Wife with Joem Bascon and Rhen Escaño. The movie will be available for streaming on July 16 on ktx.ph, iWantTFC, TFC IPTV and Vivamax.

Nakakaintriga ang The Other Wife dahil kakaibang pelikula ito at hindi pala tulad ng akala ng marami na infidelity or affair movie na maraming beses na ring nagawa ni Lovi.

Pero isa palang psychological thriller ang pelikula at isa ito sa mga dahilan kung bakit ito tinanggap ni Lovi.

“Honestly, when I first got the script and I saw the title na The Other Wife, I was already (hesitant). If it’s another affair movie, parang sabi ko, I think I need to step away from that because I’ve done a lot of affair movies,” kwento ni Lovi sa kanyang virtual solo presscon held last Sunday.

“So, sabi ko, parang medyo that’s gonna be a problem kasi I keep doing the same thing over and over again, plus The Annulment then with Joem pa na kasama ko rin dito sa The Other Wife. So, I was really hesitant.

“But the thing is, I read the script and after reading the script, lahat po ng prinedict ko sa movie, sa script, hindi nangyari. And that made me want to do it.

“And the fact that it’s an acting piece, ‘yun ‘yung biggest reason kung bakit ko siya tinanggap. And it’s not an affair movie. It’s not what you think,” paliwanag ni Lovi.

Excited na nga raw siyang mapanood ng mga tao ang pelikula dahil ibinigay niya ang lahat dito.

“I practically gave my all here. I didn’t hold back. Medyo na-stress nga ako while watching myself. So, I’m kind of excited for people to watch it,”sey ni Lovi.

Ngayon ay may sinisimulan na namang bagong pelikula si Lovi kung saan ay si Carlo Aquino naman ang kanyang kapareha.

And take note, naisisingit pa niya ang paggawa ng album, and in fact, kare-release lang ng kanyang second single na Lost.

Sa lahat ng blessings ay very thankful naman si Lovi pero marami pa raw siya talagang gustong gawin at nagpapasalamat din siya sa kanyang boyfriend na si Monty Blencowe for being so understanding at pinapayagan siyang gawin ang mga bagay na gusto niya.

AUTHOR PROFILE