Lovi

Lovi, hataw sa taping kasama si Coco

September 6, 2023 Ian F. Fariñas 242 views

Bumalik na nga ng Pilipinas ang Kapamilya Supreme Actress na si Lovi Poe matapos ng engrandeng kasal nila ni Monty Blencowe sa United Kingdom noong August 26.

Ipinagpapatuloy na ng aktres ang taping niya para sa FPJ’s Batang Quiapo, kung saan ay katambal niya ang tinaguriang Kapamilya “Hari ng Primetime” na si Coco Martin.

Halos araw-araw nagte-taping si Lovi para sa top-rating teleserye mula nang bumalik siya sa bansa.

Balita namin, ayaw ng production na magahol sa oras.

Nakahanda na rin kasing umalis sina Lovi at Coco para sa gaganaping Asap Natin ’To show sa Milan, Italy sa Linggo, September 10.

Yes, balik-“Mokang” nga ang kagandahan ni Lovi dahil si Tanggol pa rin ang nilalaman ng kanyang puso, isip at damdamin.

Ito ay kahit pa nakatakda na siyang ikasal kay Ramon, ang character na ginagampanan ng batikang aktor na si Christopher de Leon, tunay na ama ni Tanggol.

Ano kaya ang mga kaganapan ‘pag natuloy na ang kasal. Paano maghaharap ang tatlong karakter?

Paano kung mabunyag na si Ramon ang tunay na ama ni Tanggol? Magwagi kaya si Olga sa plano niya na patayin sina Ramon at Mokang?

Abangan ang lahat ng ‘yan sa mga susunod na episode ng FPJ’s Batang Quiapo na napapanood gabi-gabi, mula Lunes hanggang Biyernes, alas-otso, sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Cinemo, A2Z at TV5.

Samantala, para naman sa mga taga-Europe, maaari kayong maki-party at manood ng Asap in Milan sa September 10 sa Mediolanum Forum, Assago, Milan, Italy.

AUTHOR PROFILE