Lovirhen

Lovi at Rhen may laban sa awards

July 19, 2021 People's Tonight 740 views

Masayang-masaya ang tatlong bida ng The Other Wife na sina Joem Bascon, Rhen Escaño at Lovi Poe, gayundin ang direktor na si Prime Cruz, sa success ng pelikula.

Number one ito sa Vivamax, isa sa streaming platforms ng naturang digital film.

Bukod dito ay puring-puri rin ang acting performance ng lead stars at sinasabing pwedeng manalo ng acting award sina Lovi at Rhen.

Very thankful si Lovi na ipinagkatiwala sa kanya ang challenging role na talagang hindi pa raw niya nagawa in the past.

“First of all, nagpapasalamat ako kasi pinagkatiwalaan ako sa ganitong klaseng role. Talagang isa ‘to sa parang dream roles ko, pero hindi ko ini-expect na would land sa lap ko, so thankful ako,” ani Lovi sa virtual presscon held last Sunday.

“Thankful ako sa co-actors ko for being so giving talaga and of course, kay Direk Prime for guiding us sa pelikula. Yeah, it wouldn’t be this good if it wasn’t for everyone,” dagdag pa niya.

Masayang-masaya rin si Direk Prime na no. 1 sa nababasang magagandang tweets and reviews tungkol sa pelikula especially sa performance ng mga cast.

“Sobrang happy ako na nag-number one siya, tapos, siyempre feeling ko ‘yung good feedback, dahil ‘pag nagbabasa ako ng reviews saka mga tweets, parang ang pinaka-napapansin talaga ng mga tao, ‘yung performance nu’ng actors.

“Sobrang crucial kasi ang performance ng mga actor sa ganitong klase ng pelikula kasi one location tapos three characters lang.

“So wala talagang magdadala nun’g film kundi ‘yung performance. Parang make or break siya — kung maganda ‘yung performance, magiging maganda ‘yung film. Tapos kung hindi okey, hindi siya magiging maganda.

“Thankful ako na nun’g ine-edit ko siya, tapos natutuwa talaga ako sa performance, masarap siyang laruin sa editing dahil maganda iyong mga ibinigay ng actors,” ani Direk.

Bukod sa Vivamax, pwede ring mapanood ang The Other Wife sa ktx.ph, iWantTFC at TFC IPTV.

AUTHOR PROFILE