Lovi at Monty unang ikinasal sa Copenhagen
For the first time ay ni-reveal ni Lovi Poe na dalawang beses pala silang ikinasal ng hubby niyang si Monty Blencowe.
Sa kanyang Instagram post nitong Huwebes (August 8) ay ibinahagi ni Lovi ang mga larawan nila ni Monty na apparently ay kuha mula sa kanilang first wedding last year na ginanap sa Copenhagen, Denmark.
“Officially became Mrs. B. 8.8.23 ,” ang caption ni Lovi na naka-geo tag ang Copenhagen.
Matatandaang naganap ang bonggang kasal nina Lovi and Monty noong August 26, 2023 sa Cliveden House sa England.
Little did we all know na may first wedding na palang naganap.
Sa mga larawang ibinahagi ng aktres ay makikitang nakasuot siya ng simpleng white wedding dress habang si Monty naman ay naka-black suit.