Victim1 KRITIKAL–Nakahandusay pa ang biktima matapos barilin sa leeg sa Paco, Maynila. Kuha ni Jon Jon Reyes

Love triangle sinisilip sa pamamaril ng kelot

December 7, 2023 Jonjon Reyes 637 views

VictimSELOS ang tinitingnang motibo ng mga pulis sa pamamaril sa isang lalaki sa Pres. Quirino Ave. sa corner ng Mataas na Lupa at Anak Bayan Sts. sa Paco, Maynila noong Miyerkoles.

Mabilis nakatakas ang suspek na si Mac Ian Acebes, 47, alyas Dagul ng Trese De Agosto, Paco at patuloy na inoobserbahan sa ospital ang biktimang si Dennis Torres, alyas Komang, ng A. Linao St., Paco.

Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Gilbert Cruz, commander ng Manila Police District Ermita Police Station 5, bandang alas-7:00 ng gabi nang maganap ang pamamaril.

AUTHOR PROFILE