Love the second time around for Harlene and Federico

June 21, 2022 Aster Amoyo 6764 views

Harlene1Harlene2

SA darating na August 5, 2022 ay second anniversary bilang magkasintahan ng actress, film producer and entrepreneur na si Harlene Bautista at ang businessman at kaisa-isang anak ng yumaong star builder Master Showman na si German `Kuya Germs’ Moreno na si Federico `Freddie’ Moreno. Ang dalawa ay pareho at matagal nang hiwalay sa kanilang respective husband and wife na sina Romnick Sarmenta at Shiela Magdayao, kapatid nina Vina Morales at Shaina Magdayao.

Unknown to many, may common connection ang dalawa bukod kay Kuya Germs, ang nakatatandang kapatid ni Harlene, ang actor-comedian at politician na si Hero Bautista na naging ka-klase noon at barkada ni Federico.

Although magkakilala noon pa man sina Harlene at Freddie, wala umanong attraction sa kanilang dalawa who were both into different relationships. But as fate would have it, may isang pagkakataon na pinaglapit silang dalawa ng tadhana.

Harlene and brother Hero attended an awards night together at pagkatapos nito ay dumalo ang magkapatid sa tatlong magkakaibang reunion ni Hero.

Walang choice noon ang actress kundi sumama sa kanyang kapatid dahil wala siyang dalang sasakyan. Nakisabay lamang siya kay Hero kaya bitbit siya sa iba’t ibang party na dinaluhan nito na ang ending ay sa isang resto-bar na kanilang pinuntahan kung saan naroon din si Freddie. That was the only chance na nakapag-usap nang matagal sina Harlene at Freddie.

Ayon kay Freddie, pag-uwi umano niya ay doon niya na-realize na may nararamdaman na umano siya kay Harlene. Una niyang kinausap ang barkada niyang si Pogs (Hero) kung kanino siya unang nagpaalam sa kanyang intention na ligawan ang bunsong kapatid nito. He also asked for Herbert’s permission at pareho sila nagbigay ng go-signal sa kanya.

Freddie started calling and texting Harlene in December of 2019. They also started going out on dates hanggang officially ay maging sila nung August 5, 2020, sa gitna ng pandemic.

Ayon kay Harlene, she and Freddie both considered their respective children at kung ano ang magiging reaction ng mga ito sa kanilang relasyon.

Freddie has four grown-up children sa kanyang ex-wife na si Shiela sina Jorelle, Frans, Gab at Raffy habang lima naman ang anak ni Harlene na ang panganay na si Abijah (anak niya sa GMA director na si Rico Gutierrez) habang ang apat pa niyang mga anak na sina Zeke, Bo, Nirel at Uela (all girls) ay mga anak niya sa kanyang ex-husband of 19 years, ang actor na si Romnick Sarmenta.

Since pribadong tao si Freddie, hindi gaanong na-play-up ng entertainment media ang hiwalayan nila ni Shiela na nangyari nung buhay pa si Kuya Germs.

Sina Harlene at Romnick naman ay naglabas ng mutual official statement sa kanilang break-up in October 2018 and up to this day ay hindi na ibinahagi ng dating mag-asawa ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Bago dumating sa buhay ni Harlene si Freddie, the actress-producer was in a relationship for over a year sa dati ring miyembro ng “That’s Entertainment”-turned businessman na si Neil Eugenio pero ito’y nauwi rin sa hiwalayan.

Personal na inamin sa amin nina Harlene at Freddie na wala umano silang naging problema sa kanilang respective children pagdating sa pagtanggap sa kanilang relasyon. Katunayan, very close umano ang kanilang mga anak sa isa’t isa ngayon. Pero bilang respeto sa ama ng mga anak ni Harlene, never umano niya aagawin ang responsibility ng kanilang ama gayundin si Harlene sa mga anak ni Freddie sa ex-wife nitong si Shiela. They both know their limits pero naroon umano ang pagmamahal at respeto nila sa mga bata at sa kanilang mga ex-partners.

“Everything is so smooth and light,” pag-amin ni Harlene na ibang-iba ang aura ngayon.

“Without comparing Freddie sa mga ex-partners ko, I’m so blessed na dumating siya sa buhay ko,” pag-amin ni Harlene.

“Napaka-suwerte ko sa `yo (referring to Harlene),” pahayag naman ni Freddie.

Oftentimes, magkakasama sina Harlene at Freddie at mga anak nina Harlene at Freddie na para umano silang one big happy family.

Kahit sa Australia nag-aaral ang panganay nina Harlene at Romnick na si Zeke, parati umano nila itong kasama sa video kaya wala umano itong nami-miss sa masasayang okasyon ng pamilya.

Samantala, ang isang pinagkakaabalahan ngayon nina Harlene at Freddie ay ang sarili nilang vlog na “Familia Home Makeover” on Facebook at YouTube na very interesting at may kakaibang content which will draw the interest ng mga viewers. Meron din silang “The Extra Rich Coffee Bun” na puwedeng ma-order on FB and IG dahil wala pa umano silang physical store.

As to their plans to get married, hihintayin daw muna nila ma-approve ang kanilang annulment sa kanilang respective marriages.

“Nasa plano,” deklara ng dalawa.

Samantala, kung masaya ngayon si Harlene sa piling ni Freddie, nakatagpo na rin ng bagong mamahalin ang ex-husband ng actress-film producer na si Romnick, ang indie actress at writer na si Barbara Ruaro. Ang mag-partner ay meron nang baby girl na si Raza Mikella na isinilang nung February 14, 2021, araw ng mga Puso.

Kahit may kani-kanyang buhay na ngayon ang dating mag-asawang Harlene at Romnick, nananatili pa rin umano ang kanilang pagiging co-parent sa kanilang mga anak.

Piolo1Piolo

Show nina Piolo at Pia nakapanghihinayang

SAYANG at hindi gaanong nagtagal sa ere ang unang tambalan sa sitcom nina Piolo Pascual at 2015 Miss Universe na si Pia Wurtzback, ang “My Papa Pi” na dinirek ng box office director na si Cathy Garcia-Molina. Ang nasabing programa ay nagtapos last Saturday, June 18.

Minsan naming pinanood ang nasabing sitcom at hindi namin gaanong nagustuhan ang plot at tema ng programa.

Pinanghinayangan namin ang cast at director ng weekly sitcom.

Ang “May Papa Pi” ay tumagal lamang sa loob ng isang season o tatlong buwan sa ere.

Ang role na Tere ni Pia was originally offered to Angelica Panganiban who had to back out from the project dahil sa kanyang pagbubuntis sa magiging first baby nila ng kanyang partner, ang Australian businessman na naka-base sa Subic na si Gregg Homan.

AUTHOR PROFILE