Default Thumbnail

Love talaga ng Pinoy sa Amerika si PBBM

September 19, 2022 Marlon Purification 760 views

Marlon PurificationMAKATINDIG balahibo ang ipinakitang suporta ng mga kababayan natin sa Amerika kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Mula sa live feed ng PTV 4, napanood ko ang talumpati ng Pangulong Marcos sa harap ng Pinoy community sa New Jersey Performing Arts Center.

Umabot sa 1,200 Pinoy ang dumagsa rito mula sa iba’t ibang panig ng Estados Unidos para lamang saksihan ang talumpati ng Pangulong Marcos bilang hudyat din sa anim na raw na working visit ng Chief Executive ng bansa.

Isa sa nakipagsiksikan para makita nang personal si PBBM ay si Rolanda Galara, isang nurse, medical technician, at caregiver na nakabase sa Irvine, California.

“We traveled from California to New Jersey because we love BBM (President Bongbong Marcos). We want to show to him our love and support,” ani Galara. “We wanted the President to feel our love for him. He felt it today here in New Jersey.”

Ang Pennsylvania-based doctor na si Rommel Rivera, presidente ng Association of Filipino Physicians in America, ay nagsabing hindi niya maaaring palagpasin ang pagbisita ang pagbisita ng Pangulong Marcos.

“We came from Philadelphia to witness the first coming of the President here in the United States. This is his first visit to the United States. Of course, I don’t want to miss it,” sabi ni Rivera.

“It makes me want to cry and there’s a feeling of ‘I wanna go back to the Philippines,” wika pa niya.

Si Danny Pagsambugan, isang Filipino engineer, na nagtatrabaho sa World Trade Center Port Authority sa New York, ay nagkomento na labis siyang natuwa sa talumpati ng Pangulong Marcos.

Dahil dito, nananabik na aniya siyang makabalik ng Pilipinas, kasama ng pamilya.

“Tell this to the President,” ani Pagsambugan, “I am going home.”

Saludo sa Bayaning Pinoy

Labis ding humanga ang Filipino community kay Pangulong Marcos dahil sa personal nitong kinilala ang kabayanihan ng mga Pinoy noong kasagsagan ng pandemya.

“His speech is very inspiring. And I am very grateful that the President mentioned Filipino frontliners, nurses, and doctors like me,” sabi ni Dr. Rivera.

“That is a reward from the President. It is his gift to us. Being recognized alone is already a gift to us Filipinos here in America,” dagdag pa ni Galara na nagtatrabaho rin bilang medical technician at caregiver.

Sa kanyang talumpati, kinilala ni Marcos ang kadakilaan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na malaking tulong para iangat ang naghihingalong ekonomya ng bansa. Ang remittances ng mga Pinoy sa abroad ay umabot sa 40 percent o mahigit na $3.4 billion.

“We are watching all of you from afar and our hearts are overjoyed when we see what you do to promote the Philippines to the whole world,” sabi ng Pangulong Marcos.

“We have over 10 million kababayans all over the world, and as your President, I understand and know fully well the significant impact of the Philippine diaspora on our motherland, especially in terms of supporting our post-pandemic economic recovery,” dagdag pa ng Pangulo.

Si President Marcos ay nasa US para magsalita sa world leaders sa 77th United Nations General Assembly ngayong Martes (Wednesday, Philippine time).

Sa ganang akin, malaking bagay ang pakikipagdaupang palad ni President Marcos para sa mga kababayan natin sa Amerika.

Una, landslide ang pagkapanalo ni PBBM rito mula sa nakuhang 28,623 votes.

Ikalawa, tunay na nananabik ang ating mga kababayan na makarinig ng isang sinsero, magaling at tapat na lider ng bansa.

Tulad ng ginawang pagbisita ni PBBM sa Indonesia at Singapore, naniniwala tayong magiging produktibo rin ang working visit nito sa Amerika na inaabangan ng mamamayang Pilipino, hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa labas ng bansa.