Angel

Love scene ni Angel, bagsak sa panlasa ni Neil

November 22, 2021 Vinia Vivar 219 views

Ang daming naaliw sa latest vlog ni Neil Arce kung saan ay ni-rate niya ang acting ng kanyang misis na si Angel Locsin sa mga past project nito.

Ayon sa producer/businessman, honest siya kay Angel at sinasabi niya agad kapag hindi niya gusto ang ginawa nitong mga eksena sa isang proyekyo.

“Kasi, part ‘yan ng relationship namin, ‘yung pagiging honest,” aniya.

Bilang magaling na aktres naman talaga si Angel, matataas ang ratings ni Neil sa iconic scenes ng misis sa mga proyekto nito tulad ng The Legal Wife, The General’s Daughter, Lobo, Darna, Four Sisters and a Wedding, atbp.

Either 10/10, 9/10 or 8/10 ang ratings niya.

Pero pagdating sa intense love scenes ni Angel with John Lloyd Cruz sa pelikulang Unofficially Yours ay 2/10 ang ibinigay na rating ni Neil.

“Forward n’yo na ‘yan,” sabi ni Neil sa kanyang team. “2. Kahit anong acting niya diyan, 2 out of 10,” aniya.

Paliwanag ng mister ni Angel, “’Pag may mga ganyang eksena, siyempre producer din ako, nagdidirek din ako, naiintindihan ko ‘yan, pero advice ko sa iba, huwag n’yo na lang (i-torture?) ang sarili n’yo. Kung kaya n’yong huwag panoorin, huwag n’yo na lang panoorin” at nagtakip pa ng mata sa poster ng pelikula na nakatakip ng dyaryo ang topless na katawan nina Angel at Lloydie.

Sa huli ay ipinakita naman ng team kay Angel ang video ng mga rating ni Neil at pinag-react nila ang aktres.

“Anong 2 out of 10?” sabi ni Angel sa ratings ni Neil sa Unofficially Yours.

Tinawag niya si Neil at kunwa’y sinisita pero umiwas ang mister at sey nito, “Kain lang ako.”

Hahaha!

AUTHOR PROFILE