LOVE LETTERS NG EX GFS AT CRUSHES INILABAS NI DOMINIC
Sentimental na tao pala si Dominic Roque dahil would you believe, nakatago pa ang mga love letter na ipinadala sa kanya ng ex-girlfriends at crushes niya.
Ipinost ng dating aktor sa kanyang Instagram Story ang larawan ng mga love letter na natanggap niya noon na nakita niya habang naglilipat siya ng mga gamit.
“Hilig kong mag sulat ng letters/love letters before for my love ones/past gfs. I’ve received a lot of letters too.. yung iba naitabi ko, yung iba nawala na..
“Nun nag-aayos ako ng mga gamit nun naglilipat ako, nakita ko tong mga ito, nakakatuwa ding balikan yun mga nakaraan,” ang caption ni Dom.
May ipinost ding isang love letter ang ex-fiance ni Bea Alonzo mula raw sa crush niya noong high school siya.
“2003 first year high school. Sulat ni crush nung high school,” caption ni Dominic.
Anyway, matatandaan na kamakailan lang ay naglipat ng bahay ang dating aktor at ibinahagi pa niya ang larawan ng bago niyang place sa kanyang IG followers.