Louise ikakasal na sa non-showbiz BF
Ikakasal na ang aktres na si Louise delos Reyes sa non-showbiz boyfriend niyang si Jino.
Ipinakita niya sa Instagram ang suot niyang engagement ring.
Sa caption ay nakalagay ang date kung kailan nag-propose ang negosyanteng BF.
“Yes #122124,” ang caption ni Louise.
Makikita rin sa post ni Louise na naganap ang proposal ni Jino sa Hilton Hotel sa London.
Dumagsa ang congratulatory messages ng netizens and celebrities sa comment section. Kabilang sa mga bumati sa kanila ay sina Barbie Forteza, Carla Abellana, Ryza Cenon, Bea Binene, Benj
Manalo, Janno Gibbs at marami pang iba.
The couple celebrated their 6th anniversary last June.