boyindark

Lotlot, game katrabaho si Monching

January 3, 2023 Ian F. Fariñas 225 views

SA kauna-unahang pagkakataon after so many years ay muling nagsama sa isang pelikula ang estranged couple na sina Lotlot de Leon at Ramon Christopher “Monching” Gutierrez.

Si Lotlot ang gumaganap sa papel na guardian ni Joaquin Domagoso sa internationally acclaimed debut film nitong That Boy in the Dark habang si Monching naman ang ama ng karakter ni Joaquin na si Knight.

Dating magka-loveteam sina Lotlot at Monching bago naging mag-boyfriend at tuluyang nagpakasal.

Nagkaroon sila ng apat na anak sina Janine, Jessica, Diego at Maxine bago naghiwalay at na-annul ang kasal noong 2008.

Common knowledge ang muling pagpapaksal ni Lotlot sa Lebanese businessman na si Fadi noong 2018.

Sa tsika na hindi sila in good terms ni Monching, ang sabi ni Lotlot sa That Boy in the Dark mediacon, “Ay, no. I mean, ito nga sister-in- law ko, o,” sabay turo sa katabing si Glydel Mercado, na gumaganap naman bilang ina ni Joaquin sa pelikula.

“Ex, ex-sister-in-law. Ang dami kong ex! Ex-sister-in- law. Masaya! Glyds and I are like sisters. Para kaming magkapatid nito. We’ve known each other for so many years. Despite and inspite of everything that has transpired in our lives, we remain good friends and we remain family.

“I consider Aneeza (Gutierrez na introducing sa movie bilang misteryosang kababata ni Joaquin) as my niece, all her children, her two daughters and ganu’n din siya sa mga anak ko. So, pamilya tayo dito,” pahayag pa ni Lotlot.

Samantala, ang That Boy in the Dark, na produced ng BMW8 Productions, ay nagbigay kay Joaquin ng tatlong best actor trophies sa iba’t ibang festivals abroad.

Una siyang tinanghal na best actor sa Toronto Film and Script Awards.

Sinundan ito ng isa pang best actor trophy mula sa Five Continents International Film Festival sa Venezuela.

Noong Christmas Day, pinarangalan din siya bilang best actor sa Boden International Film Festival BIFF) sa Sweden.

Nagwagi rin bilang best director ang direktor nitong si Adolf Alix Jr. sa BIFF habang honorable mention naman ang suspense-thriller sa Toronto Film and Script Awards.

Bukod kina Lotlot, Monching, Glydel at Aneeza, suportado rin si Joaquin sa kanyang debut movie nina Nanding Josef at Kiko Ipapo, na introducing sa pelikula.

Ang That Boy in the Dark ay magsisimula nang mapanood sa mga sinehan nationwide sa January 8.

AUTHOR PROFILE