Lotlot dinalaw ng biological father sa Pilipinas

March 26, 2023 Aster Amoyo 338 views

Lotlot1Lotlot2Lotlot3Lotlot4MEMORABLE para sa actress na si Lotlot de Leon ang kanyang recent 52nd birthday dahil bukod sa kanyang asawa’t mga anak at malalapit na kaibigan ay nakasama niya ang kanyang biological father, ang retired American US Navy na si Donald Olson na dumating ng Pilipinas.

It was in 2012 when Lotlot finally met her biological father and a year later ay nakilala naman ng kanyang ama ang kanyang mga apo na sina Janine, Jessica, Diego at Maxine Gutierrez.

Lotlot was only seven months old nang siya’yibigay ng kanyang maternal biological grandmother sa ina ng superstar na si Nora Aunor na si Mamay Tunying (Antonia Cabaltera-Villamayor). Natuwa sa kanya si Guy (Nora Aunor) at siya’y itinuring na anak niya.

She was already four years old nang ikasalsi Guy kay Boyet (Christopher de Leon) nung January 25, 1975. Nung December 11, 1975 ay isinilang ang kanilang biological son na si Ian de Leon. However, nagkahiwalay ang mag-asawa at na-annul ang kanilang marriage in 1996.

Bukod kay Lotlot, nag-adopt si Guy ng tatlo pa, sina Matet, Kiko at Kenneth de Leon at lahat silang magkakapatid ay naging very close sa isa’t isa with Lotlot as their big sister.

In 1986, sina Lotlot at Ramon `Monching’ Christopher Gutierrez ay nagging bahagi ng youth-oriented program ng GMA na pinangungunahan ng yumaong Master Showman na si German `Kuya Germs’ Moreno. Sa nasabing programa nabuo ang Lotlot-Monching loveteam hanggang nagpasakal sila at a young age nung March 27, 1989. Sa apat na naging anak nila, dalawa (Janine and Diego) ay pumasok rin sa showbiz.

Tulad ng ibang showbiz couples, ang pagsasama nina Lotlot at Monching bilang mag-asawa ay nauwi rin sa hiwalayan and they separated in 2010. Muling nagpakasal si Lotlot sa kanyang Lebanese fiancé na si Fadi El Soury nung December 17, 2018 just a few months after their engagement in July 2018.

Lotlot first met her biological mother na si Eva Rodriguez nung 1991 at muli silang nagkita years later at the Venice Beach, California, USA kung saan naka-base ang huli. Nakilala rin ni Eva ang mga anak ni Lotlot.

Kahit buo na ang pagkatao ni Lotlot matapos niyang makilala ang kanyang biological parents, para sa kanya ay hindi pa rin mapapatantayan ang pagmamahal niya sa kanyang adoptive parents na sina Nora Aunor at Christopher de Leon who raised her and treated her just like their own in the same manner, ang kanyang pagmamahal sa kanyang mga nakababatang kapatid na sina Ian, Matet, Kiko at Kenneth.

Samantala, the actress still considers her ex-husband Monching her friend being the father of her four beautiful children and she’s happy na muli silang magkatrabaho (after 20 years) sa bagong serye ng GMA at Viu, ang “The Write One”.

She’s also very proud sa achievements ng kanyang mga anak lalung-lalo na ang kanyang panganay na si Janine Gutierrez na gumawa na rin ng sarili niyang pangalan.

Si Janine at tatlo nitong mga kapatid ay mga apo rin ng Asia’s Queen of Songs na si Pilita Corrales at dating Sampaguita matinee idol na si Eddie Gutierrez.

Bianca pinayagan ng mister na magbiyaheng mag-isa sa Bhutan

BiancaBianca1Bianca2Bianca3BIHIRA ang nakakaalam na nagmula rin ang ex-PBB housemate and Kapamilya TV host na si Bianca Gonzalez sa isang `showbiz royalty’ being cousin to Kapuso primetime king, actor, TV host and entrepreneur Dingdong Dantes, Arthur Solinap and Carlo Gonzalez.

Bianca is married to PBA player JC Intal in 2014 at meron na silang dalawang anak na parehong babae, sina Lucia at Carmen.

Nang siya’y tanungin ng kanyang mister kung paano niya gustong i-celebrate ang kanyang 40th birthday, sinabi niya na gusto niyang magbiyaheng mag-isa sa Bhutan na isa sa bucket list na hindi pa niya natupad when she was still single. Ang Bhutan ay bahagi ng South Central Asia malapit sa northern part ng China at southern part ng India. For Bianca, it was one experience na hinding-hindi niya makakalimutan, discovering the culture and the place all by herself. At pinayagan siya ng kanyang husband.

Samantala, bukod sa seasonal hosting ng “Pinoy Big Brother,” sila ni Robi Domingo ang host ng bagong season ng “The Voice Kids (Philippines”).

Although magkakahiwalay na sila ngayon ng TV network ng dalawa sa mga dating kasamahan niya sa paghu-host ng reality program na “Pinoy Big Brother” na sina Toni Gonzaga at Mariel Rodriguez ay nanatili pa rin ang kanilang pagkakaibigan kahit pa may kani-kanya na silang pamilya.

SUBSCRIBE, like, SHARE and click the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE