Lorna T nagpapasalamat kay Ate Vi
ANG `Star for All Seasons’ na si Vilma Santos ang unang choice para maging co-star ni Judy Ann Santos sa upcoming Metro Manila Film Festival family-drama and horror movie na “Espantaho” mula sa direksyon ng award-winning veteran director na si Chito Rono kaya hindi niya ito natanggap but she’s glad na kay Lorna Tolentino napunta ang role intended for her. May hiwalay namang pelikula si Vi sa darating na 50th MMFF na isa ring horror-drama movie, ang “Uninvited” na pinamahalaan naman ni Dan Villegas under Mentorque Productions.
Hindi man sinasadya ay magkakatapat ang pelikula ng dalawang Santos – Vilma and Judy Ann Santos na halos pareho ang tema – horror.
Pero umaasa pareho sina Vi at Judy Ann na parehong tatangkilikin ang kanilang respective movies maging ang iba pang mga pelikulang kalahok sa nalalapit na 50th Metro Manila Film Festival na pawang magaganda.
Thankful naman si LT (Lorna Tolentino) na sa kanya napunta ang role na magsisilbing first time niyang katrabaho ang tinaguriang `young superstar’ na si Juday and his reunion project with Direk Chito na tatlong beses na rin niyang nakatrabaho kasama na rito ang romance-drama movie in 1992, ang”Narito ang Puso Ko” at ang movie remake na “Patayin sa Sindak si Barbara”” nung 1995.
Ngayon lamang nagkatrabahong muli sina LT at Direk Chito after 29 years kaya ganoon ka-excited ang dalawa sa kanilang reunion project, ang “Espantaho” under Quantum Films.
“Thank you kay Ate Vi na sa akin ipinagkatiwala ang proyektong ito,” pahayag ni LT nang ito’y aming makapanayam sa grand presscon ng “Espantaho” na ginanap sa The Tent ng Novotel in Araneta City.
This early ay marami ang nagpi-predict na maglalaban sa takilya ang pelikula nina Vilma Santos na “Uninvited” at “Espantaho” nina Judy Ann at LT sa darating na MMFF na magsisimula on December 25, 2024 at magtatapos on January 7, 2025. Bukod sa box office ay magiging strong contender din sina Vi, Juday at LT for Best Actress along with the other nominees.
Kasama ni Vi sa “Uninvited” sina Aga Muhlach at Nadine Lustre and a host of others habang ang “Espantaho” ay tinatampukan din nina Janice de Belen, Chanda Romero, JC Santos, Tommy Abuel, Mon Confiado at marami pang iba.
Samantala, ma-break kaya ng 2024 MMFF ang gross record nila nung isang taon na umabot ng over P1B?
May hindi pabor sa panalo ni Sofronio
PATULOY ang pagkinang ng Filipino talents sa ibang bansa matapos tanghaling grand winner ang “Tawag ng Tanghalan” alumnus ng “It’s Showtime” na si Sofronio Vasquez sa 26th season ng reality singing competition na The Voice USA with Canadian singer Michael Buble as his coach.
Si Sofronio ay sa Pilipinas ipinanganak at lumaki bago ito nag-migrate sa New York, USA kung saan siya ngayon naka-base.
Si Sofronio ay ang kauna-unahang Filipino and Asian talent na nanalo sa The Voice USA making all his Filipino kababayans proud.
Sa kabila ng panalo ni Sofronio, marami naman ang hindi pabor sa panalo ng Filipino contestant na may ibang `manok’ na kasama sa apat pang grand finalists na sina Jeremy Beloate, Danny Joseph, Sdyney Sterlace at Shye.
Very proud naman si Michael Buble sa pagkakapanalo ni Sofronio whom he coached.
Samantala, ang “It’s Showtime” family” sa pangunguna ni Vice Ganda ay agad nagpaabot ng kanilang pagbati kay Sofronio na naging bahagi noon ng kanilang“Tawag ng Tanghalan” segment.
Martin gustong tularan si Pops
TIYAK na matutuwa ang loyal fans ng Martin Nievera and Pops Fernandez’ tandem dahil muling magsasama ang dalawa sa isang pre-Valentine major concert on February 7, 2025, ang “Always and Forever”. na gaganapin sa SM MOA Arena.
Although the former celebrity couple continues to perform as a team abroad, it is only now na muli silang magsasama in a major venue tulad ng SM MOA Arena.
Ang concert ay jointly produced ng Viva Live, Star Media and DSL Productions ni Pops.
Bukod sa paghahanda sa nalalapit nilang major concert ni Martin, nauna munang ni-launch ni Pops ang kanyang sariling Pick Cosmetics (in cooperation with Viva Beauty) kamakailan lamang. Ito’y kanyang sinimulan sa pamamagitan ng tatlong variants ng lipsticks now out in the market through online – Shopee, Lazada, Zalora and TikTok.
In the coming months ay maglalabas ang Pick Cosmetics ng iba pang produkto at kasama na rito ang iba pang colors ng lipstick, pressed powder, blush on, eye shadows at iba pang beauty cosmetics.
Hanga naman ang former husband ni Pops na si Martin sa pagiging entrepreneur ng ex-wife and he’s even inspired na gawin nang negosyo ang kanyang Big Mouth Hamburger.
Bukod kasi sa Pick Cosmetics ni Pops ay isa rin itong concert producer for the longest time. Ang pagiging concert producer ni Pops ay kanyang minana sa kanyang inang si Dulce Lukban who put up DSL Productions for her daughter Pops. Since retired na si Dulce sa pagpu-produce ng live concerts ay sinalo na ito ni Pops.
Sa kabila ng may 26 years na ring hiwalay sina Pops at Martin ay nanatili silang magkaibigan through the years at ito’y dahil na rin sa kanilang dalawang grown up sons na sina Robin at Ram Nievera. Sa dalawa, si Robin ay may partner, ang Chicago-based Filipina na si Mian Acoba at meron na silang anak, si Finn na mag-iisang taon ngayong December 16.
Lokong-loko sina Pops at Martin sa kanilang unang apo na split image ni Robin when he was Finn’s age.
Kung si Robin ay nasa Chicago, Las Vegas-based naman ang kanilang second son na si Ram na kapitbahay lamang ng ex-partner ni Martin na si Katrina Ojeda and their son na si Santino.
Aminado si Martin na si Pops umano ang gumawa ng paraan na maging okey sila ng kanyang ex-partner na si Katrina maging sa kanilang anak na si Santino na very close hindi lamang sa kanyang two brothers na sina Robin at Ram kundi maging kay Pops.
Pops is also friends with Martin’s present lady love na si Anj del Rosario.
Kung kelan matagal nang hiwalay ang dating mag-asawang Martin at Pops ay saka naman very ngayon ang dalawa laluna pagdating sa kanilang dalawang anak at apo.
“We’re still a family after all,” pahayag ni Martin.
Blended or modern family mang maituturing ang set up ng dating mag-asawa, they all get along fine kaya marami ang naa-amaze sa kanila.
Xxxxxxxx
SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “Inside SHOWBIZ, atbp. with Aster Amoyo” on my YouTube channels. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@asteramoyo.