Bistek

Lorin at Venice pabor sa relasyong Ruffa at Herbert

June 21, 2024 Vinia Vivar 217 views

RufaInamin ni Ruffa Gutierrez na seryoso siya sa kanyang pakikipagrelasyon kay Herbert Bautista.

Sa panayam ng aktres kay Karen Davila kasama ang dalawang anak na sina Lorin and Venice, isa sa mga bagay na napag-usapan nila ang kanyang current partner na alam naman natin na walang iba kundi si Herbert Bautista.

Actually, si Venice ang unang nag-open ng relationship dahil natanong silang magkapatid kung gusto pa nilang mag-asawa ang kanilang ina.

Sey ng bunso ni Ruffa, “Her current partner now, he’s lovely, he’s a really nice guy and he treats her very well and she is ecstatic about him, so, of course, I’m very happy for her.”

Ayon naman sa aktres, mas gusto niya na lang na quiet muna ang kanilang relasyon at hindi na i-flaunt pa sa social media.

Asked kung seryoso ba ang kanilang relasyon, sagot ni Ruffa, “I never go into a relationship that’s not serious. I’m always the serious type.”

Tinanong ang magkapatid kung gusto nila si Bistek, at sabi ni Lorin, “Yeah, I do.”

Sabi naman ni Venice, “I do, he’s very funny.”

Nang matanong kung paano ‘pag nagpakasal muli ang kanilang mom, natatawang payo ni Lorin, “Get married abroad so you can get a divorce.”

Pero dagdag niya, if ever na magpapasal nga muli ang kanyang mom ay gusto niyang maging bridesmaid.

Naikwento rin ni Venice na nagsimula ang relasyon nina Ruffa at Bistek sa set ng seryeng The House Arrest of Us na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla noong 2020.

Matatandaan na gumanap na mag-asawa sina Ruffa at Bistek sa nasabing serye bilang mga magulang ng karakter ni Kathryn.

Kwento ni Venice, nag-search pa siya sa Google about Herbert dahil hindi nila ito kilala.

Kwento naman ni Ruffa, sa first date nila ni Bistek ay kasama nila sina Lorin and Venice.

“They were included in our first date,” kwento ni Ruffa.

“Which I really appreciated,” sey ni Lorin na sinegundahan ni Venice.
Tsika pa ni Ruffa, “Very proper, sinundo kami sa bahay, tapos sinama ‘yung mga anak ko. Sabi niya, ‘I wanna meet them,’ and to make sure they’re okay with him and everyone was comfortable.

And that was Christmas time, remember?”

Hirit naman ni Venice, “Aand honestly, just seeing our mom with him, she was just so happy.”

Inawat na ni Ruffa ang anak sa pagkukuwento. “Okay, that’s enough na, that’s too much information,” pagsaway niya kay Venice.

Si Lorin naman ang nagsalita. Aniya, “I do think that telltale sign that this is like a real and very strong connection is that he helped her get back into school and he really encouraged that for her.”

As we all know ay nagbalik nga sa pag-aaral si Ruffa. Nag-college siya at naka-graduate na ng kursong Communications Arts noong 2022.

Nang maka-graduate siya ay in-encourage naman siya ng mga professor niya na mag-Masters at ginawa naman niya.

“So now, I’m doing my Masters, I’m almost at the end of the road, we were talking about it, remember? And I am a scholar of Tito Boy Abunda,” proud na sabi ni Ruffa.

AUTHOR PROFILE