Melanie

Loren, nakahanap ng kakampi kay Melanie

May 6, 2022 Ian F. Fariñas 303 views

NAKAHANAP ng kakampi si senatoriable Loren Legarda sa katauhan ng dating beauty queen at ngayo’y LBP party list (4th) nominee na si Melanie Marquez kaugnay ng kontrobersiya ng pagdi-disown sa kanya ng anak na si Lorenzo Leviste sa social media.

Sa presscon kahapon para sa LBP party list, sinabi ng ina ring si Melanie na, “I don’t know, I feel so sorry for that person because he is not matured enough to accept and respect the decision of the mother.

“Kasi ako, importante ’yon. Ang pagmamahal, nagsisimula sa respeto. Kapag hindi mo nirespeto ang sarili mo, hindi ka marunong magrespeto ng kapwa mo.

So I think the person negative there is the person who disowned the mother who actually bore him and took good care of him growing up. Siguro nga lang, sabi ko nga ho, may kanya-kanya tayong choices sa buhay. Pwede nating turuan ang anak natin ng mabuti ngunit ang kanyang chinoose ay something na hindi mabuti sa ating paningin pero sa kanya mabuti, then hayaan natin siya hanggang sa matuto siya.

“One day, he will learn and he will realize or she, whoever she is or he, the mistake that they made kasi younger version sila, eh. Pero ang mother, you don’t disown, no matter how bad the mother is.

“I love my parents so much, I’m not a favorite, I’m a battered child growing up, but, you know, I only have one mom, eh. I only have one dad. My dad never supported me but I love him,” aniya pa.

Hindi naman daw niya sinasabi na perpekto ang mga ina dahil may mga pagkakataon din na nagkakamali rin ang mga ito.

Pero paliwanag ni Melanie, “Ang mga nanay, nagkakamali but down deep inside them, that’s the best that they can give. So we just have to respect that.”

Para sa kanya raw, ang pag-disown ng isang anak sa kanyang ina o magulang ay isang malinaw na “betrayal of trust.”

Pahayag ng beauty queen-actress, “I call that betrayal of trust… kung anak mo tapos inano ka, dinisown ka, betrayal of trust.

“Kung ako? Eh, di, amen sa kanya. Amen sa kanya kasi if that makes her happy, makes him happy, who am I to stop that? He has his own mentality. One day, he will realize that what he has made is wrong. Kasi ang bata ’pag immature pa, inexperienced sa buhay, may pride ’yan, eh, at ’yung pride na ’yon, ’yun ang nakakasira.

“Kapag hindi ka humble, if you don’t have humility in your heart, you will not be teachable. So, walang humility ang mga ganu’ng klaseng bata, ngayon pa lang. Pero darating ang panahon magkakaroon ’yan ’pag medyo naumpug-umpog na ’yan, ’yon, nasugatan na, ng mga mahal nila, na akala nila kaibigan nila, na akala nila ’yung mga dini-defend nila? Mauumpog din sila. Then, sino ang tatakbuhan nila? ’Yung ina nila na nagmahal sa kanila,” dugtong niya.

So far, maigi naman ang relasyon ni Melanie sa kanyang mga anak kahit pa nga na-surprise raw ang mga ito sa desisyon niyang maging party list nominee.

Bilang kasapi ng LBP, itutuloy lang daw ni Melanie ang kanyang mga advocacy para sa alternative education at pagtulong sa mga batang may cleft palate, atbp.

“We just all want to work with other people,” katwiran pa niya.

AUTHOR PROFILE