Loren

Loren, nabahala sa bilang ng mga babaeng biktima dulot ng Internet

April 20, 2022 People's Tonight 89 views

NAKAKABAHALA pa rin ang bilang ng mga kababaihan at kabataang Pilipino na nabibiktima ng sindikato at mga kriminal sa Internet.

Ito ang pahayag ng beteranong mambabatas na si Deputy Speaker Loren Legarda na kandidato rin sa 2022 Senatorial elections.

Ayon kay Legarda, sa kabila ng mga batas na umiiral upang siguruhin ang kapakanan at proteksiyon ng mga kababaihan at kabataang Pilipino, nakababahala pa rin ang bilang ng mga nabibiktima ng karahasan, human trafficking, at pang-aabuso bunga ng mga bagong trend sa “Internet at Information Technology”.

Ani Legarda na co-author ng Anti-Violence Against Women and Children Act, dapat lubusang maipatupad ang naturang batas.

Isa sa nakikitang solusyon ni Legarda ay ang paglalaan ng sapat na pondo para sa malawakan at epektibong “education and information campaign” para malaman ng publiko hindi lamang ng mga kababaihan at kabataan kundi gayundin din ang kanilang pamilya.

Ayon kay Legarda sakaling palarin siyang makabalik muli sa Senado ay hihimukin niya ang lahat ng sektor hindi lang mga LGUs (local government units), pati na rin ang mga grupo ng relihiyon, mga negosyante, at sibikong samahan na maglungsad ng kampanya upang mapataas ang kamalayan ng mga tao sa pang-aabuso sa mga kababaihan at mga kabataan.

AUTHOR PROFILE