Loren Sa isang Facebook post, lubos na nagpasalamat si dating senador at ngayo’y Deputy Speaker Loren Legarda kay Bro. Mike Velarde at sa milyun-milyong miyembro ng El Shaddai, ang pinakamalaking Catholic charismatic group sa bansa.

Loren inendorso ng El Shaddai

May 3, 2022 People's Tonight 299 views

INENDORSO ng maimpluwensiyang grupong El Shaddai ang kandidatura ni dating senador at ngayo’y Deputy Speaker Loren Legarda.

Sa isang Facebook post, lubos na nagpasalamat si Legarda kay Bro. Mike Velarde at sa milyun-milyong miyembro ng El Shaddai, ang pinakamalaking Catholic charismatic group sa bansa. (https://www.facebook.com/100043897971127/posts/546476623492265/?d=n)

“Ang inyong tiwala ay napakahalaga sa akin dahil nagpapatunay lamang ito na bilang public servant sa loob ng dalawampung taon ay nagampanan ko nang maayos ang aking tungkullin sa taumbayan,” ani Legarda

Dagdag pa niya: “Maraming maraming salamat sa dasal, suporta at pag-gabay! Makakaasa po kayo sa kalidad ng serbisyong aking patuloy na ibibigay para sa pagbangon ng bansa sa pandemya at kahirapan.”

Ang pag-endorso ng El Shaddai kay Legarda ay kasabay nang mataas niyang ranking sa katatapos lamang na senatorial preference surveys ng Pulse Asia. Statistical tie o tabla si Legarda at broadcaster Raffy Tulfo sa unang puwesto sa Pulse Asia survey na ginanap noong Abril 16-21, 2022.

Limang araw bago ang halalan sa Mayo 9, hindi natitinag sa pinakatamataas na puwesto sa iba’t-ibang survey si Legarda. Bukod sa Pulse Asia, nangunguna din ang beteranong mambabatas sa survey ng OCTAResearch at ng Pulso ng Pilipino Survey ng The Issues and Advocacy Center (The Center).

Batay sa Pulso ng Pilipino survey, nakuha ni Legarda ang 60% lead sa kabuuang 64-na mga senatorial candidates. Isinagawa ang naturang survey noong Abril 4-15, 2022.

Sa kabuuang 2,440 respondents mula sa National Capital Region, Luzon, Visayas at Mindanao, nanguna si Legarda sa listahan ng mga tumugon sa survey, sumunod naman si Sorsogon Gov. Chiz Escudero na may 58 percent.

AUTHOR PROFILE