Lopez

Lopez nagpasalamat sa mga sumuporta

May 14, 2022 People's Tonight 140 views

PINATUNAYAN ng mga Manilenyo na si Atty. Alex Lopez ang tunay na nagwaging bagong Alkalde ng Maynila nang magsagawa ng pasasalamat motorcade nitong Sabado, Mayo 14 sa buong Kalakhang Maynila.

Sa puso at isipan ng karamihang Manilenyo na si Lopez ang nanalo, at hindi magkamayaw sa pagsalubong ng mga ito ng umiikot at magpasalamat sa kanila.

Nagpasalamat si Atty. Lopez sa lahat ng walang sawang sumuporta sa kanilang grupo at sa tambalang Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos at Sara Duterte.

Kasama ni Lopez si Raymond Bagatsing at ang buong hanay nito sa konseho at kongreso. Dinaluhan ang nasabing motorcade ng mahigit 1,000 riders at supporters.

Nagtungo sa Team Pagbabago HQ ang mga taong bumoto kay Atty. Alex upang magbigay ng testimonya at ebidensya sa mga ireguralidad na nangyari noong nakaraang halalan Mayo 9. Nangako si Lopez na ipaglalaban ang totoong “kalooban ng taong bayan”.

Pinakita ni Atty. Alex na itutuloy niya ang kanyang nasimulan at muli niyang isusulong ang tunay at makataong kaunlaran.

Hanggang sa huli, ipinakita ng kanyang mga taga-suporta ang kanilang matibay na paniniwala sa mga adhikain para sa Maynila.

“Salamat sa inyong pagiging ‘hospitaliry’ makaasa po kayong itutuloy ko ang aking mga adbokasiya at itutuloy ang mga nasimulang laban partikular na ang sa mga vendors ng Divisoria public market,” wika ni Atty. Lopez.

“ Muli maraming salamat po mahal kong Manilenyo!”

AUTHOR PROFILE