Default Thumbnail

Lolong Koreano nakitang dedo, hubo sa Malate condo

December 21, 2022 Jonjon Reyes 216 views

INAKALANG umalis na ang isang 70-anyos na Koreno dahil hindi na ito nagbayad ng renta sa tinuluyang nitong condominium sa Manila, Martes ng umaga.

Ang dayuhan aynnanunuluyan sa isang Condo sa A. Mabini Street, Malate.

Base sa ulat na isinumite ni Det. Jamie Balang kay Police LIeutenant Dennis Turla, hepe ng Manila Police District – Homicide Section,pasado 10:45 a.m. nang madiskubreng wala ng buhay at nakahubo ang Koreano sa loob ng condo ng isang real estate broker at sikyu.

Ayon sa report, Setyembre pa lamang ay hindi na nagbabayad ng upa sa condo agn dayuhan.

Inireport and insidente sa tanggapan ni Turla at ang mga operatives ng MPD- Forensic Unit sa pangunguna ni Police Captain Gloria Cortes.

Ang bangkay ay pansamantalang inilagak sa Cruz Funeral Morgue para sa kaukulang awtopsiya.

AUTHOR PROFILE