
LOLO TIKLO SA GAHASA
TIMBOG ang 60-anyos na lolo ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD)-Baseco Police Station 13 dahil sa kasong panghahalay sa may Barangay 649, Baseco Compound, Port Area, Manila, noong Sabado.
Ayon kay Police Lt. Col. Emmanuel “Mike” Gomez, station commander ng MPD-Baseco Police Station 13, bandang alas-11 ng umaga nang damputin si alyas Ero sa pangunguna ni Police Capt. Mel Sunega.
Bitbit ang mandamyento de aresto na inisyu ni Judge Phrincess Marloween Bajarias-Hermogeno, presiding judge ng Regional Trial Court Branch 6 Family Court ng Manila, inaresto ang suspek dahil sa statutory rape.